Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang magwakas ang teleserye nina Alden Richards at Louise delos Reyes na One True Love sa GMA-7.
Nakausap ng Hot Pinoy Showbiz si Alden noong Linggo, November 25, sa GMA-7, pagkatapos niyang sumalang sa musical show nilang Party Pilipinas.
Ibinalita ni Alden sa PEP na hindi naman siya nababakante dahil may iba pa siyang pinagkakaabalahan.
Kuwento niya, “Kakatapos ko lang pong gawin yung Si Enteng, Si Agimat at Si Ako.
“’Eto po yung sina Bossing Vic [Sotto], Senator Bong [Revilla] at saka si Ms. Judy Ann [Santos]… kasama po ako dito.”
Patuloy ni Alden, “Saka kasama rin po sa Sossy Problems din po. Magsu-shooting na rin po ako, pero cameo role lang naman po.
“’Eto po yung movie na pagbibidahan nina Rhian [Ramos], Solenn Heussaff], Heart [Evangelista] at Bianca [King].
"Ipapalalabas po ito sa December 25… cameo role lang po ako dito."
Dagdag pa niya, “And then, sa Indio rin po, yung kay Sen. Bong na bagong series niya sa GMA-7.
“January 14 na po ipalalabas—epic-fantaserye po siya after po ng 24 Oras.
SHORT ROLE. Full-length exposure ba ang participation niya dito?
“Ay, guest lang po. Ako po yung batang Bong, young Indio po sa serye.”
Bakit wala pa siyang serye?
“Oo nga po, e. Pero one-and-a-half months pa lang po mula noong mag-end yung One True Love.
“So, naghihintay lang po ako ng advice nila kung kailan ako magkakakaroon ng regular soap.
“Pero okay lang naman po, kasi aside po doon sa mga pinagte-taping ko, busy naman po ako sa mga out-of-town shows at mga guestings po sa TV.”
Hindi ba siya nainiip na walang regular show?
“Hindi naman po, kasi hindi naman po ako busy sa paggawa ng soap, busy naman po ako sa pag-attend sa mga out-of-town shows…
“At saka mga movies, kahit guest role lang po. Okay naman po so far.”
ENDORSEMENTS. Kumusta naman ang endorsements niya gaya ng sa Folded & Hung?
“Ako pa rin po ang image model nila—kaka-renew ko lang po sa kanila yesterday [Saturday, November 24].
“Thankful po ako kay Mr. Ronald Pineda for renewing me for another contract.
“Actually, dinagdagan rin po nila yung ano ko… I’m one of the faces po ng F&H I am Famous Salon…
“Na ang grand opening po namin is second week po ng December sa Robinson’s Ermita.”
Marami ang nagsasabing magaling siyang artista at may potential na sumikat sa hanay ng young actors ng kanyang generation.
Pero may mga pumupunang nauudlot ang pagsikat niya dahil hindi agad nasusundan ang acting projects niya sa GMA-7.
Tugon naman ni Alden, “Baka naman po marami lang naka-line up na soaps for this year.
“After po ng One True Love, naging trapik po yung pag-release ng soap dito sa GMA.
“Naiintindihan ko naman po yung part na yun.
“Pero sabi naman po nila, meron na raw po akong project. This February na raw po. Yun po ang susunod na soap ko.”
NEXT PROJECTS. Wala pa raw ideya si Alden kung sinu-sino ang makakasama niya dito dahil hindi pa raw nailalatag sa kanya ang buong project.
Paano naman niya babasahin ang mga naging kaganapan sa kanya nitong 2012?
“Sobrang blessed po ako. Parang yung 2011 ko po, doon nagsimula lahat, e, noong napasok ako sa showbiz.
“Isang malaking bagay na sa akin na naging bahagi ako nito. Blessed na po ako sa ganoon.
“Pero mas blessed po ako ngayong 2012 dahil dito po dumami yung mga endorsements ko.
“Yung mga projects ko pong nagagawa and then yung recognition ko po from the people outside of showbiz.
“Sobra pong lumalaki yung social circle ko po ngayon.
“So, very blessed po ako. Thank you, Lord. Thank you, GMA.”
CHRISTMAS PLANS. Paano naman niya isi-celebrate ang nalalapit na Kapaskuhan?
“Ayun po, parade po sa MMFF para po sa Enteng… tapos, yung regular Christmas po namin sa family lang."
Ang tinutukoy ni Alden ay ang pagsama niya sa float ng Si Enteng, Si Agimat at Si Ako sa parada ng Metro Manila Film Festival nitong Disyembre 23.
Ang Christmas ni Alden ay sa pamilya: “Maghahanda na lang po kami sa Laguna.
“Simple lang naman po—walang engrandeng plan—tipid-tipid lang po muna,” nakangiti niyang sabi.

No comments:
Post a Comment