Thursday, November 22, 2012

Aljur Abrenica on real score with Kylie Padilla

Nakausap ng Hot Pinoy Showbiz si Aljur Abrenica sa huling taping day ng Coffee Prince sa Tagaytay, noong Lunes,  November 19.  

Hanggang bukas, November 23, na lang mapapanood ang romantic-comedy series na ito na pinagtatambalan nina Aljur at Kris Bernal.

Gaya ng orihinal na plano, tumakbo lang ng walong linggo ang Coffee Prince at hindi na na-extend pa.

Ano ang pakiramdam ni Aljur na tapos na ang kanilang teleserye?

“Siyempre, malungkot dahil ito na ang huling araw. At the same time, excited ako.

“Ewan ko, excited ako sa taping day na ‘to. Kasi, parang buong cast kami at, feeling ko, magiging masaya itong araw na ‘to.

“Magkakaroon ng wedding scene, big scene siya.  

“Nalulungkot lang ako kasi ito ang araw na hindi na mauulit.

       

“Kumbaga, mami-miss ko silang lahat—sila Mamita, Tita Celia Rodriguez, Tito Ronnie Henares, Tita Ces Quesada, si Ms. Tessie Tomas, Tito Leo Martinez…

“Parang naging pamilya na sila sa akin.”

Si Kris, hindi niya mami-miss?

“Mami-miss siyempre,” nakangiting sabi niya.

“Pero si Kris, alam ko na magkikita at magkikita kami.

“Kaya ang mami-miss ko talaga, yung mga seniors.”

Hindi ba siya nanghihinayang na tatapusin na agad ang Coffee Prince kahit mataas naman ang rating nito?

“Sobra, sobrang nanghihinayang din. Pero, respeto na rin sa mismong right ng Coffee Prince.

“Kasi, ang alam ko naman, nag-request ang GMA na i-extend. Kaso, hindi nila in-allow.

“Before kaming mag-start, sinabi talaga sa amin na eight weeks lang.

“At kung titingnan mo naman, sa Thailand, Singapore, talagang hanggang doon lang din. Wala silang idinagdag.”

Personally, nag-request din ba siya na i-extend pa ito?

“Nag-request din, sinabi ko rin kay Ms. Michelle [Borja, executive producer] na kung puwedeng i-extend.

“Kasi, nag-e-enjoy na kami. Lahat kami, nag-e-enjoy.

“At, kumbaga, may karapatan na i-enjoy siya kasi napatunayan naman namin sa rating na okay siya.”

Bukod sa mataas na rating, maganda rin ang ilang reviews sa ipinakitang pag-arte ni Aljur sa Coffee Prince bilang si Arthur.

Sabi niya tungkol dito, “Isang malaking pasasalamat lang po. Malaking bagay na po sa akin yun.”

Ngayong tapos na ang Coffee Prince, abala naman si Aljur sa shooting ng Sossy Problems, official entry ng GMA Films sa 2012 Metro Manila Film Festival.

May cameo role din siya sa pelikulang Kuratong ng mga Padilla.



NETWORK TRANSFER. Madalas nababalitang lilipat na raw ng network si Aljur.

Ang latest nga, tukoy na tukoy sa isang blind item na nagtatanong daw si Aljur kung paano magtrabaho sa ABS-CBN.

Base rin sa clues na nasa blind item, ang pinagtanungan pa raw ni Aljur ay si Vice Ganda.

Sabi ng Kapuso actor tungkol dito, “Ang alam ko, huling nakita ko si Vice Ganda, ang tagal-tagal na. Hindi pa yata nagsisimula ang Coffee Prince.”

Pero may katotohanan ba na lilipat na siya ng network?

“Hindi ko alam!” ang natatawang sabi ni Aljur.

Diin pa niya. “At walang offer na nagaganap. Walang lilipat.”     



ALKRIS FANS VS. KYLIE. Ano naman ang reaksiyon ni Aljur sa balitang inaaway raw ng AlKris fans ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla?

AlKris ang tawag sa fans ng tambalan nina Aljur at Kris.

Bakit may ganun?

Saad ng StarStruck alumnus, “Well, nabasa ko nga din 'yan. Tinu-tweet nga rin siya.

“Pero sinabi ko na lang kay Kylie, huwag na lang pansinin.

“Siyempre, hindi rin naman lahat dun, mga fans talaga. Yung iba, gusto lang mang-asar.

“Minsan kasi, may ibang nasasagot niya [Kylie] yata.

“Kaya sabi ko, 'Kapag alam mong hindi totoo, huwag na lang pansinin.'”

Ano naman ang reaksiyon ni Aljur kapag si Kylie ang nagtu-tweet na tila ang dami nitong “hinaing” sa pakikipagrelasyon?

Bagamat wala namang binabanggit na pangalan si Kylie, naiisip agad at nako-konek ng mga nakakabasa na patungkol sa kanilang dalawa iyon.

Sabi ni Aljur, “Well, si Kylie kasi, sa amin naman, okay kami.

“Pero si Kylie, very emotional. May mapanood siyang isang bagay, movie, palagi siyang affected.

“So, ang nakita ko nga sa kanya, mas madalas mag-tweet yun kesa magkausap kami.”

Nagkatawanan ang ilan sa entertainment press sa sinabi ni Aljur.

Kaya paglilinaw niya, “Ang ibig kong sabihin, mas nag-e-express siya minsan sa Twitter.”

Kapag nababasa niya ang mga “emote tweets” ni Kylie, ano ang nararamdaman niya?

“Hinahayaan ko lang, as long as alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo.

“Kahit siya ang tanungin ninyo, sa mga movies, nagku-quote siya palagi.”



ADMIT THE RELATIONSHIP. Sa isang interview ng ama ni Kylie na si Robin Padilla, sinabi nito na dapat aminin ni Aljur kung sila na nga ba ng anak nito. (CLICK HERE to read related story.)

Napi-pressure ba si Aljur sa bagay na ito?

“Hindi naman,” sagot niya.

“Kasi ako, respeto rin naman kay Kylie. Bawat desisyon ko, desisyon din ni Kylie.

“Kasi ako, sinusunod ko lahat.

“Pero sa bawat pagsunod ko, meron yun approval ni Kylie.

“Parehas naming desisyon.”

Pero sila nga ba ni Kylie?

“Okay kami,” maikling tugon ni Aljur.

Pagdating naman sa trabaho, gusto raw makapareha ni Aljur si Kylie, “Pero siyempre, naniniwala ako sa network.

“Alam naman nila kung sino ang mas makakabuti sa aming dalawa.

“Tutal, siya naman, bakit hindi siya i-partner sa akin? Pero pina-partner siya sa iba.

Like, dapat sila ni Dingdong [Dantes].

“At kung pagpipiliin, ako o si Dingdong, mas pipiliin ko na i-partner na lang siya kay Dong kasi alam ko na mas makakatulong sa kanya yun.

“At saka, sinasabi ko sa kanila na if ever i-partner sa akin si Kylie, okay lang po sa akin.

“Pero hindi ko sina-suggest na kami na. Na next soap, kami na.”

No comments:

Post a Comment