Naging makahulugan para sa mga Kapuso star na sina Bea Binene at Bela Padilla ang kani-kanilang kaarawan dahil idinaos nila ito sa pamamagitan ng pagkakawanggawa.
Ang Cielo de Angelina lead actress na is Bea, masaya sa kanyang ika-15 taong kaarawan dahil kasama niya ang mga may sakit na cancer.
Dahil peligroso ang sakit na kanser, sinabi ni Bea na nais niyang makasama at mapasaya ang mga may sakit lalo na ang mga bata.
Sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules, nais daw ng aktres na maibahagi sa mga maysakit ang mga natatanggap niyang blessings.
Kaya naman sa tulong ng GMA Kapuso foundation, naging matagumpay ang munting salu-salo ni Bea para sa kanila.
Nagbigay din si Bea ng kanyang maagang pamasko at naghandog ng pamaskong awitin para sa kanila.
Masaya ring ibinalita ni Bea na ang pinakamagandang regalong natanggap niya ngayong taon ay pagkaayos at pagiging madalas na pagsasama nila ng kanyang ama.
"Nagpupunta si papa sa bahay, sinasamahan niya ako sa Wushu training ko, naggo-grocery kami kasama si Benice [kapatid]," kwento niya.
Samantala, binisita naman ng star ng Magdalena afternoon series na si Bela ang mga “Magdalena" sa totoong buhay sa isang women's crisis center.
Naging inspirasyon daw kasi ng aktres ang kanyang afternoon drama soap para harapin at makiramay sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso.
"Malapit na siya sa puso ko, eh. Kasi yong iniiyak ni Magdalena, iniiyak ko na rin," wika ng aktres.
Kwento pa niya, pagbibigay ng lakas ng loob daw ang kailangan ng mga kababaihang naabuso kaya naman sisikapin daw niyang dalawin sila ng madalas.
"What they need right now, or any person who's going to something troubling. I think what they need is encouragement. That's the first step really, to give encouragement and to give support," saad ni Bela

No comments:
Post a Comment