Friday, November 23, 2012

Benjamin Alves will miss the friends he made in Coffee Prince

Ngayong gabi ng Biyernes, November 23, ipalalabas ang huling episode ng Coffee Prince na pinagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica. 

Nung October 8 lang nagsimula ang Coffee Prince, kaya may viewers na nagri-react kung bakit tila ang bilis nitong matapos kung ikukumpara sa iba pang mga naging serye ng GMA-7 na umaabot ng three months o nagkakaroon ng extension.

Paliwanag ni Benjamin Alves, isa sa cast members ng Pinoy remake na ito ng sikat na Korean romantic comedy, for seven weeks lang daw talaga ang contract para rito.

“I don’t know if they tried to get an extension sa MBC,” pagtukoy ng Kapuso actor sa Korean production outfit na gumawa ng orihinal na Coffee Prince.

“Lahat naman po yata ng adaptation is only for seven weeks.  Kasi sayang naman din kung papahabain… ii-strecth para humaba na naaapektuhan yung ganda ng story.  The ending of Coffee Prince is nice.”


BEAUTIFUL EXPERIENCE. Isang magandang experience daw para kay Benjamin ang buong panahong ipinag-taping niya para sa Coffee Prince.

“Nakakatuwa,” sabay ngiti niya.

“First soap ko po ito, e.  So…exciting.  And it was a blessing.  It’s very humbling.

“Nakakatuwa po, lalo na kasama ko sina Aljur, si Kris, at saka si Max [Collins].

“And also to be directed by Ricky Davao.  It was a blessing.”

No’ng first day of taping daw nila, aminado si Benjamin na medyo nahirapan siyang mag-adjust sa kanyang co-actors sa Coffee Prince.

“Gano’n naman po talaga kung first show mo, ‘tapos first day mo, e.  talagang kinakabahan po ako.

“Pero you know, you just prepare well and pray.  And it’s well-taken care of.

“Until nung tumagal, okey na.  Every time I’m on taping, I’m at home.  I feel at home.

“When I’m on taping, if they make me stay for twenty four hours, I don’t mind. Because that’s what I enjoy.”


FRIENDSHIP IN THE SHOW. What will he miss most sa pagtatapos ng Coffee Prince?

“A… siguro yung friendship namin nina Aljur, Kris, and Max.

“Si Max has a new show now, so… we won’t be able to see her much.

“Pero I’ll always see Kris and Aljur sa Party Pilipinas.

“So… I’ll miss that the most. Lalo na yung friendship namin sa staff ng show. And also Direk Ricky. At saka yung every day may ginagawa ka.

“Although there will be a next one,” sunod na project na gagawin niya sa Kapuso network ang ibig niyang sabihin.

Sa Coffee Prince, he played the role of Aaron na kapatid ng character ni Aljur na si Arthur.

Naging magkaribal sila kay Arlene na role naman ni Max.

Pareho nilang naging girlfriend si Arlene at pareho rin silang nagkagusto kay Andy/Andrea na character naman ni Kris.

Kahit ang characters nina Aljur at Kris ang nagkatuluyan sa show, may na-establish ding chemistry sina Kris at Benjamin.

“Which was for me… unexpected,” nangiti ulit na reaksiyon ni Benjamin.

“We did’t get much to do sa workshop, e. And…I hope to work with her again soon.”

ANOTHER SOAP. Ano ang next project niya sa GMA?

“I’ve talked to Miss Annette [Gozon-Aborgar], she said they’re planning something.  I just can’t say it.

“But I know there’s gonna be another soap. Heavy drama. That’s what I was told.

“Tinanong po ako kung gusto ko raw bang heavy drama.  And I said…yes.    

“As far as yung magiging leading lady ko o mga magiging co-actors ko, hindi ko pa po puwedeng sabihin, e.

“Ready na ako to do heavy drama.  Yeah, I’m excited.

“Coffee Prince was a good introduction. And I’m excited for the next one. I’m looking forward for it.

“Every Thursday, I’ll be having an acting workshop. I still have to learn a lot, I know.”

Sa magandang takbo ng sinimulan niyang acting career, ano ang reaksiyon ng uncle niyang si Piolo Pascual?

“Happy. He’s my neighbor now.  So, I get to see him a lot.

“He’s happy. And excited for me.”

January next year pa malamang mag-start ang taping para sa bagong soap na gagawin niya sa Kapuso Network. Kaya may plano raw siyang magbakasyon muna this coming holiday season.

“I’m planning to go to Vegas this Christmas. Magga-gambling ako do’n. Joke!” sabay tawa niya.

“I’m going there just to relax,” panghuling nasabi ni Benjamin.

No comments:

Post a Comment