OLA CHIKKA! Hindi ko na nasasabi ang katagang ito kasi this time chikka muna. Kasi nu’ng mga nakaraang araw, puro PSSST: Politika, Showbiz, Sports, Scandal, Tsika!
Ayaw ko na sanang patulan itong chikka tungkol dito sa relasyon ni Daniel at Kathryn na okay lang daw kay Karla Estrada na ina ni Daniel. Magulang din kasi ako. Parang hindi kasi tama. Ang babata pa nila, parang bad influence sa kabataang humahanga sa kanila. Sana bilang nanay, hindi na sana siya nag-comment ng ganito. Parang kinukunsinti kasi ni Karla.
Sa isang panayam kay Daniel, nasabi nito na, “sa bawat araw, sa unti-unting mga nangyayari, talagang mas nagiging tight ‘yung samahan namin ni Kathryn.”
Pero hindi pa naman daw sila mag-dyowa, hindi na rin naman daw sila normal na magkaibigan. Kaloka as in, abnormal na ba? Kasi ayon pa kay Daniel, “Kumbaga, mas nakikilala namin ang isa’t isa. Dati normal na magkaibigan, ngayon iniisip na po namin ang isa’t isa. Kahit hindi pa naman kami, binibigyan na ho namin ng importansya.”
At ang say naman ng nanay ni Daniel na si Karla, talaga daw inspirasyon ngayon ng anak niya si Kathryn. “Maganda ang relasyon nila, inspirasyon nila ang isa’t isa, inspirasyon niya talaga si Kathryn. Kasama ‘yun sa paggising niya sa umaga na hindi siya mahuhuli kay Kathryn, baka nasa set na raw.”
KAYA OKEY lang sa kanya kung may namumuo nang pag-iibigan ang kanyang anak at si Kathryn. Para raw sa kanya, bakit niya pipigilan ang isang bagay na alam namang makabubuti sa anak niya. Dugtong pa niya, para raw siyang fans ng tambalang Daniel at Kathryn, kasi kinikilig din siya ‘pag nakikita niya sa TV, they complement each other.
Ganito talaga ‘pag first love, halimbawa, ni Daniel si Kathryn. Lahat gagawin, kasi nangyayari talaga ito sa unang pag-ibig na ito ang pinakamahirap at pinakamasarap na stage sa buhay ng isang taong nakararanas na magmahal, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Okey lang sana kung totoo. Kasi, napakarami nang nangyayaring ganito. Kaya lang, pagkatapos ng kanilang project na ginawa ay parang balik sa normal na buhay at lilipat na naman sa kung kanino panibagong itatambal, ‘di ba? Madalas mangyari ito sa Dos, tulad halimbawa ng tambalang Kimerald. Pagkatapos ng kanilang projects, kung kanino na napunta, si Kim Chiu kay Xian Lim na pinaghihinalaan ang gender; si Gerald Anderson naman, napunta kay Sarah Geronimo at Christine Reyes.
Kahit nu’ng mga nakaraang araw, kapanahunan namin, halos sambahin ang tambalang Guy and Pip, na nag-alaga pa ng manika na si Maria Leonora Teresa, at ang Vilma-Edgar. Saan sila ngayon? Si Nora Aunor, napunta kay Christopher de Leon, at kung kani-kanino na lang, na balita, kay John Rendez na iniwan ang asawa alang-alang kay Nora. Si Vilma naman, maligaya siya sa piling ni Sen. Ralph Recto, at sa dalawang anak na may breeding na si Lucky at Christian.
Ay, naku! Ano ba ito? Kung saan na naman tayo napunta. So next issue naman, baka hindi magkasya sa column ko.
PITIK-BULAG: SINO itong bagets young actor na nagpa-spa, as in lahat yata ng service, pinagawa niya?
Nasarapan sa masahe kaya nakatulog ang hitad. Ayun, inumaga sa spa. Paggising, maligaya raw siya at nakapagpahinga. Kinuha na ang bill as in binusisi lahat kung magkano, binayaran na lahat at may sukli na 30 pesos.
Hindi pa siya umaalis kasi inaantay ang sukli. Boung akala ng mga nag-service sa kanya, kaya inantay ang sukli kasi bibigyan sila ng buo. Ayun, nu’ng inabot ang sukli, thank you girls at goodbye and see you no more!
Natawa na lang ang mag nag-service sa kanya at ang nasabi lang, Cory Aquino (read: kuripot) naman ng bagets actor na ‘yan. May X ang kanyang name. Cynthia?!
PASASALAMAT SA lahat ng nakaalala sa aking 60th birthday, specially sa lahat ng Vilmanians na talagang tanggap na nila ako nang buong-buo, lalo na ang grupo nina Jojo Lim, Willie Fernandez, Dr. Ronie Ong, etc. At higit sa lahat, kay Gov. Vilma Santos Recto, Sen. AntonioTrillanes IV, Sen. Bong Revilla, Sen. Jamby Madrigal, Imelda Papin, Emma Cordero, Boy Abunda, Ogie Diaz, Romy Lerit. Mayor Marenett Gamboa, Sylvia ng Minex Cystal, Arman Cuban, at higit sa lahat sa aking family at mga kapatid dahil ang birthday ko ay family affair.
Salamat sa lahat ng nakaalala sa akin and advance Merry X’mas sa lahat.

No comments:
Post a Comment