Magkasama sa isang bagong game show sa GMA-7 ang premiere comedienne na si Eugene Domingo at ang comic duo nina Jose Manalo at Wally Bayola.
Ito ang Celebrity Bluff na magsisimula nang umere sa Sabado, November 17.
Ang co-host nina Jose & Wally sa Eat Bulaga! na si Allan K ay nakasama naman ni Uge sa musical-comedy show noon ng GMA-7 na Comedy Bar.
Ano ang nakikitang kaibahan ni Uge sa pakikipagtrabaho niya kay Allan at kina Jose at Wally?
Sagot ng aktres, “Ay, sobrang expert kasi si Allan, e.
“Eto kasing sina Jose at Wally, puro kalokohan.
"Naaalala ko yung mga siga sa kanto na pakawala na… yung mga ganon.”
UNRULY BUNCH. Habang kausap ng PEP si Uge ay nilalandi at binibiro siya ni Jose, na noo’y katabi lang niya sa interview.
Palingun-lingon lang ang parang nagsusungit-sungitang si Eugene na panaka-nakang napapangiti sa panghaharot sa kanya ni Jose.
Hindi ba siya nakakaramdam na parang "magagahasa" siya nina Jose at Wally sa mga pagbibiro ng mga ito sa kanya?
“Susmaryosep! Papagahasa ba naman ako pagkatapos ko kay Dingdong [Dantes] at Richard [Gutierrez]?” bulalas ni Uge.
Pareho nang nakatambal ni Eugene ang dalawang Kapuso matinee idols sa pelikula; si Dingdong sa Kimmy Dora (2009) at sa sequel nitong Kimmy Dora And The Temple of Kiyeme (2012) at si Richard naman sa My Valentine Girls (2011).
Natatawang pagbabanta pa ni Eugene, “Subukan lang nila! Ano ‘to? Parang hindi na ako nag-iisip… wala na akong taste?
“Tutal kilabot naman sila, talagang kinikilabutan ako!”
Pero may mga natutunan ba naman siya kina Jose at Wally pagdating sa comedy?
“Uhm, sila talaga yung perfect example ng totoong komedyante.
“Kasi nakikita mo sa kanila na off-cam, they’re just very quiet.
“Pero-on cam, hindi mo na sila bibitawan, kakapit ka na talaga.
“And very relatable ang kanilang mga beauty.
“Nakakasalubong mo ganyang hitsura… kahit saan, di ba?” pagpapatawa pa rin ni Uge.
Madi-distinguish ba niya kung saan magaling sina Jose at Wally sa comedy?
“Oo naman, oo,” mabilis niyang sagot.
“Si Wally kasi, paminsan-minsan lang, e. He can use his body, his face, everything. Meron siyang instrumento sa katawan.
“While si Jose, pag hinawakan ka niya, hindi ka niya bibitiwan na hindi ka patay… Patay ka pag binitiwan ka niya—patay ka!”
NETWORK HOPPING. Kapansin-pansin na parang rumoronda lang si Uge sa GMA-7 at TV5.
Nakailang projects si Uge sa TV5 at ngayon nama’y nasa Kapuso network siya muli.
“At saka Dos [ABS-CBN]... yun, guesting-guesting lang,” pahabol niya.
May offer ba ang Kapamilya network sa kanya na mag-host ng isang show or game show?
Sabi ni Uge, “Meron, pero talk show.
“Kasi nung nag-offer naman sila, meron naman akong Bona.”
Anong klaseng talk show ito?
“Ahm, parang magazine na celebrity.”
Hindi nagbigay ng detalye si Uge at tumanggi siyang sabihin kung sino ang dapat niyang nakasama sa show.
Ano ba ang timeslot ng talk show—morning o afternoon?
“Afternoon.”
Kailan naman dumating yung offer ng GMA-7 para sa ginagawa niya ngayong game show?
“Siguro weeks after Bona.
"Ang bungad nga sa akin, ‘Tapos na yung play mo… ang tagal na naming naghihintay.’
“Tapos, nagustuhan ko naman agad yung offer nila kasi game show nga, kasama sina Jose at Wally.
“E, they’re very charming. I really want to work with them at hindi ako nagkamali.”
NETWORK OFFERS. Ano ang pakiramdam na sa estado ng career niya ngayon ay ang mga TV network ang parang nagmamakaawa para makuha ang serbisyo niya?
Paglilinaw niya, “Hindi naman sila nagmamakaawa.
“Sa tingin ko, yung tiwalang ibinibigay nila sa akin is because I’ve always been very honest of what I can do, of my limitations, and very considerate.
“Hindi ako… may malasakit ako, e. Hindi lang ako tumatanggap ng project for the sake of para kumita ako.
“Tinatanggap ko yung project kasi naniniwala ako sa galing ng konsepto at sa sarap ng makakatrabaho—nakikita nila yun.
“So, pinapahalagahan nila yung tunay kong karakter as an artist, ‘ika nga, na sincerely from the bottom of my heart.
“I will do the project that you offer to me because I really want it and I will participate,” pahayag ni Uge.
PERSONAL CHOICES. Paano nagagawa ni Uge na parang hindi siya atat sa mga projects?
“Hindi ako nagsisinungaling," pagmamalaki niya.
“Sinasabi ko talaga na, ‘Ganoon po, ang gusto ko talagang gawin ay ito.’ Ganun.
“Pagkatapos, pag dumating naman yung point na nag-commit ako, one-hundred percent ako.
“Kaya siguro hindi sila nadadala kasi talagang panghahawakan ko ang sinabi ko na magtatrabaho po tayo… at this time… ganyan—may palabra de honor.
“Doon siguro sila humuhugot ng kumpiyansa.”
SCHEDULE MASTER. Yung ibang mga artista, naghihintay na mapansin ng mga network para magkaroon ng trabaho. Pero si Uge, nagagawa niyang i-schedule ang kanyang personal at ang kanyang career.
Nagagawa niyang nasa ayos o systematic lahat ng takbo ng buhay niya at career.
“’Yan ang kagandahan ng walang lovelife,” sabi niya.
Sa obserbasyon ng marami, sinira ni Uge ang peg sa showbiz na maganda, tisay, at sexy lang ang magbibida sa mga pelikula na kikita o gawing host sa game show.
“Nasampal ka na ba sa… anong oras na?” nakangiting bulalas ni Uge sa narinig na deskripsyon namin sa kanya.
“Anong oras na? Nasampal ka na ba bago maghapunan o pagkatapos maghapunan?” tumatawa niyang sabi.
Yung kasing ibang sinasabing mukhang artistahin ay hindi man lamang napapansin para bigyan ng project.
“Sa palagay ko ano ‘to, tiwala, suwerte at pakikisama,” sabi ni Uge.
At galing siyempre?
“Oo… galing, regalo, biyaya… at willing na willing kang i-share.
"Hindi naman ako abusada, e. Wala akong dini-demand na hindi ko kaya—sakto lang.
"I am always very, very considerate,” saad niya
TALENT FEE. Biro namin, siguradong malaki ang talent fee ni Uge sa bago niyang show kumpara sa nagwakas na show nila ni Allan K.
At hindi naman ito itinanggi ni Uge.
“Ay, definitely! From huli kong trabaho, nadagdagan naman, kaya tuwang-tuwa ako.
“Sabi nga nila, ‘Uge, ganito… Ganito, pero ganito lang.’
“Sabi ko, ‘A, oo. Sige po… opo.”
Hanggang kailan ilalabas sa ere ang Celebrity Bluff?
“Well, ako realistic naman ako, e. Pabagu-bago ang ihip ng panahon, di ba?
“So, maka-isang season lang kami, achievement na yun for us.”
RESPITE. Kapag din lang may panahon at walang Metro Manila Film Festival entry si Uge, nagbabakasyon ito.
Kung hindi man sa isa napiling lugar dito sa Manila, maglalagalag ito sa ibang bansa.
Saan naman ang destinasyon niya ngayong December para magbakasyon?
“Hindi ko pa alam, baka mag-Asian tour ako. Manila ka, nakarating na ako sa kabilang bahagi ng mundo.
“Hindi pa ako nakakarating sa Bangkok… kumusta naman ako? At saka sa Vietnam…
"Kaya nga iyon ang pinag-iisipan ko.”

No comments:
Post a Comment