Saturday, November 17, 2012

Governor Vilma rumored secret wedding of son Luis Manzano and Jennylyn Mercado

Sa 59th birthday celebration ng Star for All Seasons na si Governor Vilma Santos, labis-labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga taong patuloy pa ring sumusuporta sa kanya.

Espesyal ang kanyang kaarawan ngayong taon dahil ito rin ang kanyang ika-limang dekada sa showbiz.



GRAND TV SPECIAL. Naibalita noon na gagawan ng TV special ng ABS-CBN si Ate Vi kaugnay sa kanyang ika-limang dekada sa industriya.

Marami ang nagulat nang napabalitang hindi na ito matutuloy. Ano ang dahilan kung bakit naunsiyami ang sana’y special tribute para sa kanya?

Paliwanag ni Governor Vi sa Ang Latest: Updated ng TV5 kahapon, November 10: “Ako naman ang may kasalanan, ako ang tumanggi na, kasi hindi ko na kaya.

“Sa sobrang pagod ko, physically, hindi ko na kaya.



“At saka I truly believe if it’s meant, it’s meant.

“Pag hindi, baka huwag mong ituloy. Baka hindi bukal, hindi tuloy.”



THE ELECTION THAT WAS. Sa gitna ng kasiyahan sa kanyang kaarawan, naikuwento naman ni Ate Vi ang malungkot na bahagi ng nakaraang eleksyon sa Batangas.

Aminado ang gobernadora na naging mahirap para sa kanila ang mga kaganapan noong 2010 elections.

Lahad niya, “Grabe yung dinanas ko nung last election kasi pinagtulung-tulungan ako, grabe!

“I think that was the worst na election na naranasan ko, the last election, kasi tatlong partido nagsama-sama para lang kalabanin ako.

“Grabe ‘yon, grabe ‘yon.”



Pero hindi nagpatinag ang puwersang sumusuporta sa kanya—ang mga BatangueƱo na naniniwala sa kakayahan at katatagan niya pagdating sa public service.

On her third and last term na si Governor Vi sa 2013 mid-term elections.



Isa rin sa mga hindi talaga malilimutan ni Ate Vi ay ang kanyang pulutong na mga tagahanga, na ayon pa sa kanya ay kasabay na niyang nag-mature.

Saad nito, “Hindi rin ako magtatagal dito kung hindi sa Vilmanians ko na kasabay mo nang nag-mature.

"At sa audience ko na mga Pilipino na mula siyam na taon ay kasama ko na na hanggang ngayon ay nandidiyan pa rin.”



CELEBRATION WITH CONSTITUENTS. November 3 talaga ang kaarawan ni Ate Vi, pero noong November 5 siya nagdaos ng isang malaking selebrasyon kasama ang mamamayan ng Batangas.

Nowhere in sight naman ang kanyang asawang si Senator Raph Recto at mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Kaya tuloy iniintriga ng iba ang hindi nila pagdalo sa kasiyahan.

Pero maganda ang paliwanag ng Star For All Seasons dito: “Ngayon, marami ang nagtatanong, ‘Bakit wala ang pamilya mo?’

“Kasi kasama ko na sila for a week. Kaya nga kami may family, di ba?

“Ito naman ay para sa pamilya ko dito sa Batangas.”

Dagdag pa ni Ate Vi, days before her birthday, isang linggo silang magkasamang magpamilya sa Hong Kong bilang bakasyon at advance birthday celebration niya.

Kasama niya sina Senator Recto, Ryan Christian, at ang kanyang mga kapatid.

Hindi nakasama si Luis dahil nasa ibang bansa ito.

“Okey na yun sa akin para ito naman, ito na yung time ko dito, kasi di ko na kaya nang sabay-sabay. Dyusko, thirty-seven na ako!” natatawang biro niya.



Dagdag ng actress-politician, “Masaya naman, masaya. At least, it’s family.

“Ang wala lang si Lucky, kasi nasa Dubai.”



LUIS WITH JENNYLYN IN DUBAI. Kasama ni Luis sa Dubai ang girlfriend nitong si Jennylyn Mercado.

Okay lang ba ito kay Ate Vi?



Sagot niya, “Ibigay na ninyo ang kaligayahan ng anak ko, ibigay ninyo na.

“Nagmo-monitor naman kaming dalawa. Nag-skydive nga, e.

“Pinagalitan ko. Nag-skydive, grabe!”



Hindi ba siya nagtampo na mas pinili ng anak na makasama ang girlfriend nito kaysa sa kanya noong kanyang kaarawan?



“Wala sa akin ‘yon. Alam mo, na-prepare ko na yung sarili ko do'n.

“Ayan si Ryan, someday ganyan din ‘yan. Saka lalake pa yung anak ko.

“So, prepared na ‘ko, na as long as hindi nawawala yung communication sa family.”



Sa ngayon daw, mas malapit na ang kanyang kalooban sa kasintahan ng panganay.

Dagdag pa ni Ate Vi, “Ang importante lang sa akin that time na naospital si Lucky, nakita ko kung paano siya inalagaan ni Jen.



“Nakikita ko lang kung paano inalagaan ni Jen si… maybe because nanay na, I think.

“Iba yung pulso ng nanay, e, di ba? When it comes to pag-aalaga, sanay na.”



SECRETLY MARRIED? Dahil nga sa sobrang pagmamahalan nina Luis at Jennylyn, tila handa na silang lumagay sa tahimik.

Kaya naman umuusbong na rin ang mga kuwentong lihim na diumanong nagpakasal sina Luis at Jen.

May katotohanan ba ito?



Natatawang sagot ni Ate Vi, “Malay natin!

“No, at the end of the day, not my decision, but Lucky’s decision.

“I think he’s old enough to decide for himself.

“So kung either magpapakasal na o kasal na, desisyon nila 'yon.”



Sa ngayon, handang-handa na raw si Ate Vi na magkaroon ng apo.



Masaya niyang sabi, “Oo naman, matagal na. Oo naman.

“Maliit yung pamilya namin, di ba? So kung magkakaroon ng baby si Lucky, okey, di ba?”



RYAN CHRISTIAN’S LOVELIFE. Bukod sa panganay na si Luis, iniintriga rin ang bunso ni Ate Vi na si Ryan Christian tungkol sa lovelife nito.

Totoo bang pihikan at mapili ang kanyang bunso?



“No comment,” pabirong sagot nito.

“May mga dinadala-dala pero mahihirapan yun kasi hinahanap niya, conservative.

“Ayaw niya sa babaeng agresibo.

“Conservative siya. Gusto niya sa babae yung mahinhin, hindi maingay.

“Ayaw niya yung aggressive na babae.”



GIFT FROM SENATOR RALPH. Ano naman ang regalo sa kanya ng asawang si Senator Ralph sa birthday niya?

Tugon ni Ate Vi, “Si Ralph, binigyan ako ng mga Chinese na may meaning na necklace na kuwintas. It’s not gold, it’s silver.

“Alam ninyo yung Chinese charms na may meaning? Yung may mga meaning na charm na good luck, long life…

“It’s more of a personal, not fancy things.”

INDIE FILM. Nagsalita rin si Ate Vi tungkol sa naunsiyaming indie film na gagawin niya sana.

Schedule daw ang dahilan kaya hindi ito natuloy.

Pahayag ng Star For All Seasons, “Initial pa naman yung usapan na 'yon.

“Ever since, gusto ko nang masubukan man lang kahit papa’no ang indie film.

“Pero nothing is final, although nagmi-meeting na kami at nagkataon lang na gusto ko yung script na ibinigay nila.

“Pero when it comes to scheduling, akala ninyo three days, no—they’re asking for ten days.”

No comments:

Post a Comment