Tuesday, November 20, 2012

John Lloyd Cruz on love, parang hindi ako naniniwala na one person can stay in love for the rest of his life

Muling magsasama ang love team nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo para sa A Beautiful Affair, ang bagong primetime teleserye ng ABS-CBN. Kasama sa love triangle si John Estrada na gaganap sa kanyang pinakamalaking role sa isang drama project sa telebisyon. Sa presscon na ginanap sa The Events Place, Tomas Morato, pinag-usapan nina John Lloyd, Bea, John Estrada, at ibang cast members ang tungkol sa kanilang teleserye na partly shot in Vienna, Austria.


SYNOPSIS. A Beautiful Affair is about three people who will each face the toughest obstacles in a relationship and will be forced to make a choice between steadfast loyalty and passionate love.


A brilliant architect named Leon Riego (John Lloyd Cruz) and an heiress named Gen Saavedra (Bea Alonzo) first meet in Austria as two broken souls. Their mutual attraction will temporarily unburden them of their respective miseries—Leon from the guilt brought by the death of his adoptive mother and Gen who is trying to move on from the betrayal of a former love.


Together, they wind up spending the time of their lives by getting on a romantic escapade to Vienna and Salzburg. In each other’s pains, they find strength and in each other’s bitterness, they find love.


Despite the undeniable attraction between them, they decide to part ways and fix their lives before choosing to love again.


They meet again after a year, but to Leon’s surprise, Gen is already in a relationship with construction magnate Edward (John Estrada), who happens to be an important figure in Leon’s life and helped him achieve his dream of becoming an architect.


How will Edward deal with the knowledge of Gen’s encounter with Leon in the past? Which will carry more weight for Leon: his love for Gen or his loyalty to Edward? Who will Gen choose as her partner?


Directed by Katrina “Katski” Flores, this teleserye will start airing on the Kapamilya Network tonight, October 29.


Ano ang pinaka challenging na eksena na ginawa n’yo sa teleseryeng ito?

Bea:  “Sa akin, alam ‘to nila Direk, na weakness ko talaga yung ‘boardroom scene,’ makikita n’yo ito sa week two. Hindi kasi ako ganung klaseng tao, e. Wala siya sa comfort zone ko--sa mga sinasabi kong linya. I don’t even know most of my lines na kailangan ko pang  tanungin kung anong ibig sabihin nun. Talagang mahirap para sa ‘kin to talk about business, tapos English pa. I need an extra effort sa memorization para mag mukha kang credible, so para sa kin, yun ang isa sa mga pinaka mahirap kong eksena.”

John Lloyd: “Pag hindi magkasya yung mga costume ko, dun ako nahihirapan, e. Pag masikip yung t-shirt ko nahihirapan kami ni Direk. Kidding aside, lahat naman ng mga eksena at doon sa karakter ko na ginagampanan medyo mahirap, kasi dapat mo muna kasing paniwalaan yung karakter. Yung karakter kasi ni Leon dito, napaka-dark, napakalalim ng karakter na kanyang pinag-gagalingan,  na hindi ko pa na-experience, siyempre, hindi ko siya maisip. So, napaka-hirap ng mga bagay na hindi mo talaga pinagdaanan, hindi mo kayang paniwalaan. Mabuti na lang napakaganda,  pag binabasa mo na yung script, nadadala ka na sa eksena, malaking tulong yun. Tapos gina-guide ka pa ng director mo, tapos may mga ka eksena ka pa na John Arcilla, John Estrada, so dumadali ang eksena dahil sa kanila.”

Doon sa trailer, may sinabi na ‘Bakit mo siya iiwan, tama bang iiwan mo ang taong sobra mong mahal. Paano mo pinakawalan ang taong sobra mong mahal.’ Anong masasabi n’yo doon?

John Lloyd: “Naniniwala ako na ginawa nina Leo at Gen kung ano yung tama. Sa case ni Leon, alam kasi niya na hindi pa niya kayang ibigay yung sarili nya ng buo,  kasi alam niyang ang dami pang kulang sa kanyang pagkatao, ang dami niya pang dapat isaradong issue sa kanyang pagkatao. I don’t think magiging tama kung kulang-kulang pa yung pagkatao mo. Parang hindi pwedeng ibigay yung sarili mo sa ibang tao kung hindi mo pa pinaniniwalaan na buong buo ka. So, naniniwala ako dun sa karakter nina Leon at Gen na ginawa lang nila yung tama.”

In real life ba gagawin mo yun John Lloyd: ang iiwan ang mahal mo dahil hindi ka pa buo sa sarili mo? Paano ka naka-relate sa karakter ni Leon?

John Lloyd: “You know, pwede mo siyang ipilit, e, pwede mo siyang ipilit ng paulit ulit, e. Pero pag talagang may mali or may hindi tama, lalabas at lalabas ang problema, in other words, parang you need to end your agony, pwedeng tapusin na lang kasi alam n’yong it’s not gonna work,  kasi nga hindi ka okay, ako parang ganun ko nakita, so, in my own personal opinion, naniniwala ako dun sa ginawa ni Leon.”

Bea: “Sinabi nga ni Direk [Katski Flores] kanina na Love is not enough, marami tayong dapat i-consider na responsibilities and consequences, pag mag dedesisyon ka,  di mo lang iisipin na para ka lang maging happy,  kailangan  mo rin na i-consider ang paligid mo. Kung tama yung love na yun, sa palagay ko, may tamang panahon para doon. Kung kayo, kayo!”

Paano n’yo ma-dedescribe yung isang beautiful affair, anong makapaloob doon? Ano yung mga hinahanap n’yo para maging lasting and beautiful ang affair na yun?

John Lloyd: “For me, less work, less effort, should be easy, natural lang, walang trying to please both parties, yung parang sinasakyan n’yo lang yung kusa n’yo. Sa akin, it’s important, more than the idea of being in love parang hindi kasi ako naniniwala na one person can stay in love for the rest of his life. Parang nag-e-expire ‘yan, e, at ang magpapakapit sa ‘yo diyan ay kung paano kayong dalawa bilang tao, so, para sa akin, yun ang nag ma-matter, lilitaw na lang yun.”


Pagkatapos ng general presscon, tinanong si John Lloyd ng press tungkol sa pahayag niya na parang may expiration ang love. Nilinaw ng aktor na ang ibig sabihin niya ay may expiration date ang pagkakaroon ng kilig sa isang relationship. Aniya, “Ang sinasabi ko do’n, yung fall-in-love with one person, yung level of kilig, yung excitement, can only last… depende sa kaso n'yo.

“Definitely, hindi siya magla-last hanggang sa matanda na kayo.

“Pero yung commitment for the person, yun ang magla-last.”


(CLICK HERE to read related article)

Bea: “Sa ‘kin, siguro ang isang relationship will be really beautiful kung ang foundation ay yung respeto sa isa’t isa at paniniwala sa Diyos, may special protection kayong kailangan. Feeling ko, it will build with commitment, kasi meron kang pinanghahawakan, at kahit anong mangyari, siya ang panghahawakan mo.”

Bea at John Lloyd, matapos ang matagumpay na The Mistress, na ikinonsider n’yong pinakadaring n’yong pelikula, mako consider n’yo bang eto ng pinaka-daring n’yo namang teleserye?

John Lloyd: “Style wise and thematically, I will say eto  na yung pinakadaring, pinaka iba din, medyo daring yung approach at medyo daring yung role namin dito, hindi kasi ito yung  typical teleserye or soap opera, may pag ka risky yung  aming palabas. Gusto naming makita kung paano siya tatanggapin ng mga manonood, medyo daring yung move, iba na kasi yung competition sa TV, just like in the movie na tatanungin mo, ‘ano kaya ang tatanggapin ng tao ngayon?’ Ako, gusto ko yung idea na sinusubok namin yung market kung tatanggapin nila or hindi.”

Bea: “Ako siguro, masasabi ko na sa lahat ng mga ginawa kong teleserye, eto yung marami kaming flaws, minsan may pitik din siya, sisigaw na lang yung karakter ko dahil sa frustration. May mga ginagawa din siya na medyo may pagka childish kasi nga bunga ng pagiging sheltered niya. Yung karakter ko rito yung masasabi kong pinaka totoo at ini-enjoy nya yun good side at marami din siyang bad side.”

Nagkaroon din ng pagkakataon na makausap ng PEP.ph si Bea tungkol sa kanyang kakaibang karakter sa teleserye at ito ang kanyang pahayag:

Gaano ka mature yung role mo rito sa A Beautiful Affair, kumpara sa ibang teleseryeng ginawa mo at sa huling movie mong ginawa with John Lloyd, yung The Mistress?

Bea: “Ibang iba siya, e. Ibang iba yung pagka mature niya rito, e, kasi yung sa The Mistress, may involved na asawa, saka it’s the story of infidelity. Dito naman sa A Beautiful Affair, it’s a story of love and loyalty, parang ang tanong: can you really put together them together? Making love and be loyal to someone else? So ibang-iba yung pagka mature nito. In fact, sa umpisa, yung karakter ko,  hindi siya ganun ka mature, medyo sheltered nga siya, hindi siya hinayaang gumawa ng desisyon by herself, so medyo pag ka immature pa yung mga ginagawa niya sa simula, until such time na may isang bagay na mangyayari sa kanya na nag push sa kanya para maging mature. Kasi wala syang ibang choice kundi maging mature to handle it by herself.”

Bea, kamusta yung kissing scene mo with John Estrada? Ilang takes yun?  Kinabahan ka ba? Paano n’yo pinaghandaan? May ilangan ba?

Bea: “Nakadalawang takes yata kami. Si Direk Katski yung kausap ni John Estrada, siya ang nagbibigay ng instructions. Sa ‘kin naman, just being professional, I mean kung yun ang nakalagay sa script, so be it, dapat mong gawin. At first, medyo may ilangan, kasi nagka trabaho kami ten years ago sa Kay Tagal kang Hinintay, magka-ibang magkaiba yung karakter namin, malayo sa pagiging lovers, di ba? By that time, I was very, very young sa teleseryeng iyon, ngayon naabutan ko na si Kuya John. Ayun, medyo weird sa una, pero nakaka in love talaga yung karakter niya rito bilang Edward. As I read the script, nakaka-in love talaga yung karakter niya. No wonder, pati yung mga manonood mai in love sa karakter ni John Estrada.”

Maituturing na reunion project ang A Beautiful Affair dahil muling nagsama-sama ang mga taong bumuo sa tambalang John Lloyd-Bea para sa kanilang kauna-unahang kapamilya teleserye, ang toprating show na Kay Tagal Kang Hinintay. Bahagi ng proyekto na ito ang business unit head na si Laurenti Dyogi na dating director ng Kay Tagal Kang Hinintay at si Katrina “Katski”  Flores na dati’y head writer at ngayon ay siyang director na nina Bea at JLC.

Makikita rin sa bagong teleseryeng A Beautiful Affair sina Dimples Romana, John Arcilla, Jaime Fabregas, Maritoni Fernandez, Ana Roces, Janus del Prado, at Megan Young kasama sina Jim Paredes at ang Pinoy Big Brother Unlimited Big Winner Slater Young sa kanyang kauna-unahang teleserye.

Mapapanood ang A Beautiful Affair sa ABS-CBN Primetime Bida ngayong Oktubre 29 pagkatapos ng Ina Kapatid Anak.

No comments:

Post a Comment