Nasorpresa si Matteo Guidicelli nang mapabilang sa New Wave section ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang first indie film niyang Paglaya Sa Tanikala.
Dual role ang ginagampanan niya sa pelikula na may religious theme.
“I play as one of the brothers of Somascam community and I also play the role of St. Jerome—isang Italian saint po siya.
“Yes, may pagka-religious po.
"Si St. Jerome po, isang Italian saint siya at may mga communities dito sa Pilipinas na Somascan.
Ang Somascan congregation ay binuo ni Saint Jerome Emiliani noong 16thcentury sa Somasca, Italy.
Patuloy ni Matteo, “They have like orphanage. Yung mga prostitutes, pinapasok nila and they take care of them.”
Nakausap ng Hot Pinoy Showbiz ang Kapamilya actor sa press launch ng 2012 MMFF sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, noong Lunes, November 12.
CHALLENGES. Ano ang challenge kat Matteo ng kanyang role?
“Ang dami po,” tugon ni Matteo.
“Brother po ako dito kaya kailangan… brother… brother.
“Tapos second, I also play Saint Jerome. So, yung prosthetic, pinatanda talaga ako rito.
“Yung katawan ko, parang matanda na. So, very challenging also.”
Limang araw lang daw nila ginawa ang pelikula.
Aniya, “It’s very, very fast.”
Umaasa ba siyang ma-nominate at manalo ng award para sa pagganap niya sa Paglaya Sa Tanikala?
Sabi ni Matteo, “I did not even expect the movie to be here. It’s such a big blessing.
“Tinext po nila ako last week. Sinabi nila, ‘Matteo, yung movie natin nasa MMFF.’
“Sabi ko, ‘Huh, paano?'
"Kasi, we basically made this movie to educate... you know.
“It’s a movie for a good cause and the fact na pumasok dito sa MMFF, grabeng blessing.
“Natutuwa talaga ko. Hindi ko in-expect.”
IRONIC. Aminado si Matteo na masaya siya sa takbo ng career niya ngayon.
Bukod sa kanyang pelikula ay umeere na ang panghapong serye nila ni Jessy Mendiola sa ABS-CBN, ang Paraiso.
Pero parang akma kay Matteo ang kasabihang bongga ang career, pero zero naman ang lovelife niya.
"Tama rin!" natatawang pagsang-ayon niya.
Masaya ba na parang "nakalaya" na siya sa "tanikala"?
“Hindi naman,” nakangiti niyang sabi.
“Basically, I’m really concentrating sa mga ginagawa ko. Aside sa mga soap, then sa sports ko.
“Talagang wala na akong time and concentrate with the things that you really love. That’s important."
NOT BECAUSE OF SPORTS. Sinasabing isa raw sa rason ng breakup nila ni Maja Salvador noon ay dahil masyadong naging focused si Matteo sa kanyang sports.
Nandoon na raw ang lahat ng oras niya kaya ang dating tuloy, tila ipinagpalit ni Matteo si Maja sa sports.
“Ay, hindi naman," pagtanggi ni Matteo.
"Yung mga priorities lang naman in our life right now, in our age, are very different.
“So, we decided to go our separate ways.
“But Maja and I are still friends and we still talk.”
Itinanggi rin ni Matteo na nililigawan niya uli ang ex-girlfriend.
“Wala… ngayon, wala akong balak mag-girlfriend or what.
“Concentrate talaga sa Paraiso dahil halos araw-araw, nagte-taping kami.”
INSPIRATION. Mahirap ba talagang pagsabayin ang lovelife at trabaho?
“Hindi naman mahirap, pero ang gusto ko talaga ngayon is to concentrate on my career and Paraiso.
“Yung role ko lang, ibang-iba sa akin. Hindi ako sanay sa role ko.
“Parang buong buhay ko talaga, inilagay ko doon.”
Hindi ba't mas masarap magtrabaho kapag may inspirasyon?
“Meron, pero you can get inspiration with others,” sagot ni Matteo.
BODY SHOW. Sa Paraiso, marami raw ang “nagpipiyesta” sa katawan ni Matteo tuwing hapon. Madalas kasi sa mga eksena niya rito ay topless siya.
Ano ang reaksiyon dito ni Matteo?
"Ganoon ba? Maraming salamat. I really work so hard. It wasn’t easy.”
Ilang packs na ba ang abs niya?
“Mga six,” nakangiti niyang sagot.
Sanay na ba siya sa mga humahanga sa katawan niya?
“Ay, hindi pa rin. Hindi pa rin po ako sanay.
“Kahit manood ako ng PHR ko, hindi pa rin ako sanay. Na, ‘Uy, ako pala ‘yan!'
"I really work hard for it.
“Yung body pa lang, yung physical change, naiba ko talaga ang kulay.
"Yung acting ko... marami akong pinagdaanan before I got the soap, so it’s hard work.”
Saan siya mas napa-flatter: Sa mga komento mula sa mga bading o sa mga babae?
“Everybody!" natatawang sagot niya.
“Konting positive comments, it’s a very nice thing already—very humbling and motivating.
“Every time I hear something good about it, mas motivated ka to work even harder.”

No comments:
Post a Comment