Tuesday, November 27, 2012

Piolo Pascual Says Isa lang ang buhay natin, kailangang enjoy

Isa sa mga dahilan kung bakit excited si Piolo Pascual sa susunod niyang movie project ay dahil action genre ito. Madalas kasi siyang naka-cast sa drama movies at projects. Ang nasabing pelikula ay may working title na OTJ (On The Job) at makakasama niya rito si Gerald Anderson. Si Erik Matti ang director ng proyekto at ipo-produce ng Star Cinema. “Matagal naming hinintay ito. We’re excited,” saad ng aktor.

Mukhang komportable rin si Piolo sa genre ng nasabing pelikula bilang active ang kanyang lifestyle, alam niyang mae-enjoy niya ang ganitong klaseng pelikula. “Kasi bilang magalaw akong tao; mahilig akong mag-training, mahilig akong kung anu-anong ginagawa… drama is also draining. Para hindi naman puro iyak at mas maganda rin ‘yung [may] aksyon. At least habang nagti-taping pinapawisan ka pa rin ‘di ba?”
2
Ngayong darating na Pasko ay tutungo si Piolo sa USA upang doon mag-celebrate kasama ang anak niyang si Iñigo at ang iba pa niyang kapamilya na doon naninirahan.

Sa nasabing interview ay tinukso rin si Piolo dahil proud itong ipinakita sa malapit na media ang video ng anak habang kumakanta. “He was supposed to sing with me, he was supposed to perform with me sa San Diego (California) show ko. ‘Yung batang ‘yon napaka-talented, grabe. Soloist siya sa choir nila sa glee club nila and I think he’s an amazing kid. Mas confident sa akin ‘yon at mas magaling sa akin ‘yon,” wika ng proud dad.

Tiningnan ng Push.com.ph ang ilang videos ni Iñigo kung saan kasama niya ang members ng kanyang glee club at mga kaibigan na nagpe-perform. Mayroon ding solo performance si Iñigo na pinalakpakan pa ng mga dumalo.

Sisimulan na rin ni Piolo ang upcoming teleserye niya with Angelica Panganiban and Diether Ocampo, ang Apoy sa Dagat na ipapalabas next year.

Pinuri nga si Piolo sa pagiging positibo nito kahit na minsan ay nasasangkot siya sa mga kontrobersya. “Siyempre isa lang buhay natin, kailangan enjoy,” nakangiti niyang sagot.

No comments:

Post a Comment