Kasama ang Kapuso star na si Rachelle Ann Go sa mga mapalad na pinababalik sa pagpapatuloy ng audition sa musical play na "Miss Saigon" na ginagawa sa Pilipinas. Alamin kung ano ang kanyang nasa isip nang isalang sa audition?
Kitang-kita sa mukha ng mga nag-audition sa pangalawang araw ng revival ng stage musical na Miss Saigon ang kanilang nararamdam habang hinihintay na matawag upang maipalamas ang kanilang talento sa pag-awit at pagsayaw.
Sa Chika Minute ng GMA’s 24 Oras nitong Martes, kabilang si Rachelle sa mga nag-audition at masuwerteng nabigyan ng call back para sa susunod na round ng pagsubok upang mapasama sa sikat na musical stage play.
Ayon sa Kapuso star, nakaramdam siya ng kaba nang tawagin na sa audition.
“Nanginginig ako… ayun pinakanta na nila agad… tapos short lang naman, yun kinanta tapos ayun pinababalik na ako," kuwento ni Rachelle sa ulat ni showbiz reporter Cata Tibayan.
Nang tanungin kung ano ang nasa isip niya nang isalang, natatawang sagot ng singer-actress: “Nasa isip ko, kailangan hindi ako pumiyok!."
Payo naman ni Steven Brooker, musical director ng Miss Saigon, hindi sapat na alam ng nag-a-audition ang kanyang kinakanta.
Bilin niya, ang treatro ay hindi lamang tungkol sa musika kundi kasama rin ang drama. Kaya naman balewala umano ang pagkanta kung wala ang emosyon.
Ang 26-anyos na Pinoy na laking Indonesia na si Brenn Vargas, halos hindi makapaniwala nang tawagin siya para sa call back.
Nakababa na kasi si Brenn sa pag-aakalang hindi siya nakapasok sa pangalawang bahagi ng audition process.
"Actually, I'm still processing it right now. Because I was waiting downstairs to smoke and they just called my name. I was thinking it's a once in a lifetime opportunity and then go ahead," saad nito.
Matagal nang namulat si Brenn sa teatro at ang Miss Saigon daw ang talagang kinalakihan niya.
"I actually grew up to this musical. It was I think 1989 I was three years old. My loved the show she saw it I didn't, too bad. Then I grew up listening to the soundtrack. I actually have the whole soundtrack," paliwanag ni Brenn na inaasam ang papel na “engineer" sa Saigon.
Samantala, masuwerte rin ang 29-anyos na mang-aawit na si Fonzy Mendoza na napasama rin sa callback.
Ngayon araw lang kasi siyang dumating mula sa Macau, lugar kung saan siya nagta-trabaho.
"I flew from Macau [this morning] and come here straight to audition. I just rehearsed actually at the car. It's amazing, I wasn't expecting actually, there's a lot of good ballads here in the Philippines. I'm just one of the hopefuls," kwento niya.
Mang-aawit at supervisor siya sa The Venetian, Macau kung saan nagtatanghal siya ng mga kantang klasiko.
Ilan umano sa mga ibinilin sa kanya ay pag-aralan ang papel ni “Thuy" sa nasabing musical play.
"They gave me some pointers just saying na consistency with this and that, then they asked me to study the part of Thuy. Hopefully later I'll be able to memorize sana and they asked me to dance for a while, just a little," patuloy ni Fonzy.
Pinababalik din sa audition ang 33-anyos ang theater artist na si Princess Virtudazo na hangad na makuha ang papel ni “Gigi."
"It's really exciting! The first time that I entered that room, my first impression was like whoah!. I can;t say anything else, like wow. I've been through a lot of auditions already locally and then it's the first time I see a British [panel] talking to me. It is overwhelming," masayang kwento ni Princess.
Samantala, hindi katulad ng karamihan na nag-ensayo sa mga awitin mula sa nasabing stage musical, nagdala ng gitara ang 25-anyos Singaporean-Japanese na si Eden Ang kung saan inawit niya ang "Blue Suede Shoes" ni Elvis Presley.
"I didn't do a Miss Saigon song. I think it pays to do something different, to explore. It was my plan actually, so my battle plan kinda worked out," saad nito.
Nagtatrabaho bilang dancer si Eden sa Universal Studios sa Singapore. Kabilang din siya sa Pandemonium Productions at napabilang din sa musical na Spring Awakening.
Karylle, babalik; Sitti, hindi
Sa ulat naman ni Joseph Morong sa Balitanghali nitong Martes, sumabak din ang ilang sikat na personalidad sa auditions para sa Miss Saigon.
Sa unang araw, nabigyan din ng callbacks sina Rita de Guzman at Karylle.
Samantala, hindi naman nakalusot ang Bossa Nova singer na si Sitti sa auditions ng nasabing musical.
"Kung para sa’yo, para sa’yo. Kung hindi para sa’yo, hindi para sa’yo. Kung para sa’yo, lahat mangyayari para sa’yo," pahayag niya.

No comments:
Post a Comment