Gaya ng inaasahan, napuno ng mga tao ang SM Mall of Asia Arena nitong Biyernes ng gabi kung saan ginanap ang Silver Anniversary Concert ng Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez.
Sa late night news ng GMA’s Saksi, sinabing hindi napigilan ni Regine na maiyak dahil sa nakitang suporta ng mga tao matapos ang 25 taon niya sa industriya.
Nag-perform din ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid, kasama sina Michael V, Janno Gibbs, Lani Misalucha, at si Anton Diva, na impersonator ni Regine.
Ilang kilalang celebrities din umano ang namataang nanood sa nabanggit na concert.
Sa artikulong isinulat naman ni Erwin Santiago na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Sabado, sinabing pinatunayan ni Regine ang pagiging propesyunal nito nang ituloy ang concert kahit mayroon itong sakit.
Dinapuan umano ng virus ang Asia’s Songbird na naging dahilan para mamaos ang kanyang boses. Pero sa kabila ng kanyang kalagayan, nagdesisyon si Regine na ituloy ang concert kahit hirap na hirap siya.
Sa pagharap niya sa mga tao, inihayag ni Regine na: “Actually, madami rin po ang pinagdaanan ko para po… just to get here tonight.
“We’re thinking of cancelling the show altogether because I didn’t have a voice.
“But, inisip ko, para kanino ba ito… this show is a celebration…
“Minsan ka lang magse-celebrate ng twenty-five years sa industriya, palpak pa.
“Nandito naman kayo, dumating naman kayo.
“I know that you deserve more from me and I really would’ve wanted to give you more.
“You know, for the past six months, I’ve been trying to get back in shape… in fairness, ha!" nakasaad sa ulat ng PEP tungkol pagbibiro ni Regine tungkol sa kanyang katawan.
Una rito, inihayag ni Regine na ang muling pagkanta ang magiging big challenge sa kanya matapos manganak dahil nabanat ang kanyang tiyan nang magbuntis.
Ipinaliwanag ni Regine na isa sa kanyang teknik sa pagkanta ay humugot ng puwersa mula sa kanyang sikmura.

No comments:
Post a Comment