Kapag pinag-uusapan na si Kim Chiu, tila nagiging uncomfortable si
Xian Lim, marahil dahil ayaw niyang masyadong nagiging center of
attention ang “panunuyo” niya kay Kim. Ayaw masyadong magdetalye ng
aktor pero sinabi niyang masaya siya kapag sinasabi ni Kim na nagdudulot
ng saya sa buhay niya ang kanyang leading man. “There’s nothing wrong kung masaya ang tao, it’s always a good thing,” ani Xian.
Aminado
siya na natutuwa siya kapag nakikita niya si Kim at ang kanyang mga
kapatid dahil masaya sila at marami. Naiinggit daw nga siya minsan dahil
nagiisang anak si Xian habang sina Kim ay maraming kapatid. Para nga
raw silang mga anak ni Janice de Belen na sobrang close.
Very
thoughtful si Xian lalo pa’t madalas niyang bigyan ng regalo si Kim.
Ani Xian, minsan daw kapag namimili siya o tumitingin sa mga bilihin na
kapag may specific na bagay na nakakuha ng kanyang atensyon at alam
niyang ikatutuwa ito ni Kim, binibili niya ito para sa aktres. Pero ani
Xian, wala naman daw masama rito at pwede naman itong ikonsiderang token
of appreciation.
No comments:
Post a Comment