Showing posts with label Kris Aquino. Show all posts
Showing posts with label Kris Aquino. Show all posts

Thursday, August 16, 2012

Shalani Soledad meets ex-BF Pres. Noynoy Aquino, Kris Aquino

Muling nag-krus ang landas ng dating magkasintahang sina Pres. Noynoy Aquino at Valenzuela Councilor Shalani Soledad. Noong Agosto 9 ay bumisita ang pangulo sa siyudad ng Valenzuela para puntahan ang mga nasalanta ng baha at naroon ang mga opisyal ng nasabing siyudad kabilang na si Shalani.

Sa simula ng kanyang speech ay binati agad ni Pres. Noynoy si Shalani dahilan para maghiwayan ang mga naroroon. Sa nakuhaang video ng ABS-CBN News ay nakitang tahimik lamang at nangiti si Shalani sa ginawang pagbati ng pangulo.

Sa panayam kay Shalani sinabi nito na nagagalak sila sa pagbisita ng pangulo sa kanilang lugar. “Masarap ‘yung feeling na ‘yung presidente binibisita tayo rito,” ani Shalani, na kasal na ngayon ay Pasig Representative Roman Romulo.

Pagsapit naman ng hapon ay dumating naman sa Valenzuela City ang kapatid ni Pres. Noynoy na si Kris Aquino kasama ang dalawa pang artista na sina Angel Locsin at Iza Calzado. Sinalubong sila ng local officials ng lugar kasama na si Shalani.

Sa pagbibigay pa ng relief goods ay magkatulong pa sina Shalani at Kris.Very thankful naman si Shalani sa kanila dahil sa halip na magbigay na lang ng tulong ay mas marami ang natuwa sa personal na pakikibahagi nila ng pag-aabot ng relief goods.

Tinanong din si Kris kung ie-endorso ba niya sa susunod na eleksyon si Shalani. Sagot ng Queen of All Media, “Ang lakas-lakas niya rito. We would love to repay the kindness she showed and the support. But you can really tell when a local official is well-loved.”

Nang tanungin naman si Kris kung papayag ba siyang kuning ninang ni Shalani in the future, natawa si Kris at sinabing awkward daw kung kukunin siyang ninang but she wishes Shalani the best.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Shalani na bukas siya na kuning ninang si Kris kung papayag naman ang actress-host.

Kris Aquino, Angel Locsin and Iza Calzado visit Valenzuela’s evacuation center

Kris Aquino called on Angel Locsin, Anne Curtis, and Iza Calzado to put together additional supplies for ABS-CBN Sagip Kapamilya’s relief operation in Valenzuela City held last Thursday, August 9. As stated in Kris’s tweets, “@annecurtissmith went to the supermarket to buy toothpaste & toothbrushes so we can bring tomorrow. Thank u Angel Locsin- Nag ready ng mga banig other supplies. Iza Calzado text me to ask what other supplies we needed- I said alcohol & toilet paper di namin nabili. She placed order and then she volunteered to join me and Angel in Valenzuela.” Apparently, Anne Curtis, Richard Gomez, Vice Ganda and Ella Cruz were deployed in another evacuation center in Pasig.

Kris added that she texted Valenzuela Councilor Shalani Soledad who agreed to assist them during their relief operation. The four girls didn’t have qualms about walking on thigh-deep floodwaters in order to reach their destination. Laila Chikadora—who also joined the relief operation—further shared in her tweets: “@aquinokristina @143redangel @MissIzaCalzado and @shalanisoledad Diniaig ang Charlie's Angels sa pagdistribute ng mga relief goods sa valenzuela. mayor sherwin gatchalian was offering the girls to ride a boat papunta sa evacuation area pero nilusong nila ng walang kaarte arte ang gahitang baha. god bless these people who take time out from their busy scheds to lend a hand. Ü”

Saturday, March 10, 2012

Kris Aquino, Puring-puri ni Grace Lee.

Talagang lubos na ang pagiging kampante ng Koreanang si Grace Lee sa pamilya Aquino. Hindi ito na-intimidate kay Kris Aquino nang makita niya at makilala sa isang dinner na pinuntahan nila pareho. Kung meron mang siyang agam-agam sa pagkikilala nila ng bunsong kapatid ni P-Noy, nawala ito.

Kris was more than civil sa pagkikita nila.

Nakita ni Grace ang sincerity, ang pagiging edukada, at ang nababalitaan niyang charm nito kahit sa unang pagkikita lamang nila.

Kung komportable siya nang makilala ang mga ate nito, hindi naman iba ang naging pakiramdam niya sa pagkikita nila ni Kris.

Saturday, March 3, 2012

Kris Aquino, Madamot Hindi Kagaya ni Gretchen Barretto

PAREHAS NA sosyalera sina Kris Aquino at Gretchen Barretto, pero may pagkakaiba sa pakikitungo sa mga katrabaho.

Kaloka, as in mabubuwang ka sa Earth sa mga chikkang nakarating sa akin. Ito raw si Greta ay gustung-gustong makasama ng mga katrabaho sa taping o pelikula, kasi pula raw ang kanilang mga hasang, as in bundat silang lahat. May almusal, tanghalian at hapunan, may meryenda pa. Kasi nga, dinadala raw nito ang lutuan sa location sa shooting, at walang ginawa kundi magpaluto nang magpaluto ng kung anik-anik at sama-sama silang kumakain.

Ganu’n din si Kristeta, dala rin lahat ang lutuan at paluto nang paluto ng kung anu-ano sa kanyang mga maid. Pero take note, siya lang ang kumakain at ang mga kasamahan niya… nganga!

Kaya gustung-gusto raw ng mga production staff at lahat ng mga crew ‘pag si Greta ang kasama, pero ‘pag itong si Kristeta… look na lang sila sa sky, at nganga, as in hindi man lang siya marunong mag-share.

Over my dead body, hindi ko ma-take ‘yan, huh! True ba?! Eh, alam naman nating all out siya, ‘di ba? Naku, kung true ‘yan, dapat mag-share ng blessings, ha?!

Thursday, February 23, 2012

Kris Aquino, Ginapang si Sen. Lito Lapid

Sen. Lito Lapid ay nasa Kapamilya na, at may chikka rin na gagawa ito ng teleserye, at mukhang gagawa rin ng pelikula sa Star Cinema. Balita ring si Kris Aquino ang tumulong sa kanya para makapasok sa ABS-CBN, at ang chikka rin dito ay dahil kailangan ng boto ng senador sa impeachment ni Corona. Sey mo, ‘te?!

Wa ako ma-sey! Kasi parang true nga nu’ng mga nakaraang araw, tinanong si Kris kung sino ang gusto niya kina dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo, dating first lady Imelda Marcos at Sen. Miriam Defensor Santiago, walang kagatul-gatol na sinabi ni Kris na si Miriam. Kailangan daw kasi nila ng boto sa Senado, sabay halakhak nang malutong!

Kahit siguro si Sen. Bongbong Marcos, kung hihingi ng favor kay Kris ba pumasok sa Kapamilya, gagawan at gagawan niya ‘yan ng paraan, kasi nga kailangan nila ng boto sa impeachment. Ang taray!

Sey n’yo mga Kapuso at Kapatid, sino na naman kaya ang mapupunta sa mga ‘yan sa Kapamilya para sa kanilang exposure, dahil nga sa botong ‘yan! Kaloka naman, ‘te!

Monday, February 6, 2012

Kris Aquino, Galit Pa Rin Kay Joey Marquez

INAYAWAN PALA ni Kris Aquino ang pasaring ni Joey Marquez na willing itong interbyuhin ang Queen of Talk sa kanyang bagong showbiz-oriented talk show.

Gusto na ni Kris ng katahimikan kaya sinabi niya sa isang interview for her newest soap with Robin Padilla na ayaw niyang magpa-interview sa dating nakarelasyong komedyante.

Maganda na nga naman ang buhay ni Kris at wala siyang kaproble-problema lalo na ngayon at na-annul na ang kasal niya kay James Yap. We’re pretty sure na magagamit lang ang beauty ni Kris para pag-usapan ang bagong show ni Joey kasama sina Janice de Belen at Carmina Villaroel.

Alam na alam ni Joey na lalong ii-ngay ang kanyang pagbabalik sa showbiz kapag nangyari ang one-on-one interview niya with Kris.

Saturday, February 4, 2012

Kris Aquino, 3 Ang Anak Nila ni Robin sa Kailangan Ko'y Ikaw

Kris Aquino and Anne Curtis will have the chance to work with Robin Padilla in ABS-CBN’s upcoming teleserye titled Kailangan Ko’y Ikaw. In this program, Kris and Anne portray sisters while Robin is cast as the man who will come between them. Child star Xyriel Manabat is also part of this family-oriented show.

Kris explains the significance of their characters.

“Anne and I will represent lahat ng emotions na nararamdaman ng kababaihan when it comes to being in love. Excited ako also kasi we get to see the dynamics kung anong relationship ng magkapatid. In every family, we all have different characters so makikita n’yo how two women will relate to each other. Yung isa responsible, de numero, yun yung character ko.”

Anne describes her character by saying, “rebellious, free-spirited…”

Kris explained that during the story conference, they tackled the question: “Sino ba ang mas may karapatan sa pagmamahal? Who will call the shots when it comes to love? The person who gave the love or the person who received the love?”

“We’re really excited kasi alam mo na-touch ako, he kept saying thank you sa amin. Sabi ko, ‘we’re so important, tayo ang tine-thank you ni Robin Padilla. Nagawan nila ng paraan na may elements of action but at its core, it’s a family drama and a love story.

Read more: http://ikuwaderno.com/kris-aquino-robin-padilla-and-anne-curtis-topbill-abs-cbns-upcoming-series-kailangan-koy-ikaw.html#ixzz1lNUVOkhv

“Lahat ng age brackets makaka-relate.”

Will Kris be doing a love scene in this teleserye?

“Tatlo ang anak namin so paano naman ako magkaka-anak kung walang love scene?”

How far do you plan to go?

“This is TV so yung far na far, hintayin na lang natin kasi may movie ako for that.”

Friday, January 13, 2012

Kris Aquino, Papalitan Nga Ba ni Vic Sotto Bilang Host ng Kapamilya Deal or No Deal

IPINAPAKITA NA ang teaser ng Kapamilya Deal Or No Deal, pero wala pang eksaktong date kung kelan ang pilot.

Nagpapa-audition na rin sila para sa mga kukuning taga-hawak ng attache case o 26k.

Ang alam ng marami, it’s still Kris Aquino who will be hosting the game show. Hanggang sa lumutang ang pangalan ni Bossing Vic Sotto na siya raw kapalit ni Mareng Kris.

Me source naman kaming nakausap ni Bossing at ang sabi lang daw nito, “Sana nga, pero wala pa namang nakikipag-usap sa akin, eh.”

Sabi naman ng isang source namin, dapat daw, si Kris ‘yon, pero mas type daw ng lola n’yo na umarte sa isang teleserye, dahil ‘yun daw ang gusto n’ya. Ang magpaka-aktres sa 2012.

‘Yung ke Vic naman daw eh, tatapusin lang ang Who Wants To Be A Millionaire, (hindi lang kami aware kung umeere pa ito o tapos na).

Anu’t anuman, bonggang idea ang Vic Sotto to host Kapamilya Deal Or No Deal, dahil panalo sa advertisers si Vic.  Obvious ba eh, ang dami niyang TV commercials? ‘Yung mga ine-endorse lang nito ay otomatik nang magpapasukan sa show.

Pangalawa, parang Hari ng Game Show si Vic ngayon. Walang effort kung mag-host, pero nandu’n ang dating.

Anyway, anu’t anuman, kung si Vic na o si Kris pa rin ang magho-host ng Kapamilya Deal Or No Deal, “big deal” ito sa mga tsismoso.

You May Want to Check Out:

Top 10 Most Admired Actresses in The Philippine Showbiz Industry in This New Generation

Top 10 Most Admired Actors of The Philippine Showbiz in This New Generation


Top 10 Most Favorite Divas in The Philippines

Monday, December 19, 2011

Kris Aquino, May Inamin Tungkol Sa Kanyang Buhay Pag-ibig

Chika ni Charice Comuri

WHERE THERE are still legal factors to be considered, inamin ni Kris Aquino na sa puntong ito ng kanyang buhay ay hindi pa siya malayang umibig muli. But her former partner James Yap is free, although not legally as yet.

Ito ang nilinaw ni Kris as she faced the press para sa kanyang Metro Manila filmfest entry, ang Segunda Mano, which she co-produced with co-star Dingdong Dantes and Star Cinema.

Pero kambyo ni Kris, “Malay n’yo? Baka ‘yung makatabi ko sa eroplano, o kung nadapa ako at ‘yung lalaking pupulot sa akin from the ground ang magiging guy for me?” To us, parang lame excuse na lang ‘yon ni Kris, giving herself the ounce of hope that there’s still a guy out there na puwede siyang pagtiyagaan for all her idiosyncracies (read: kaluka-lukahan).

But if only for her festival entry, nagsilbi itong wake-up call kay Kris to realize how she could have made better decisions in her life. May isa kasing eksena roon with Dingdong to which Kris—who later broke down—was able to identify batay sa kanyang personal na karanasan sa buhay.

To make matters even more emotionally powerful, naikunek ni Kris ang tagpong ‘yon to her own family setup where one important member (the father being James Yap) is missing to make it solid. Du’n daw napagtanto ni Kris na ang nagbabayad ng mga pagkukulang ng mga magulang ay ang mismong anak.

As her way of making it up to Bimby, as well as to Joshua, Kris is willingly paying her dues. Over the filming period daw kasi of Segunda Mano ay apat na araw sa buong linggo niyang naipagkait sa kanyang mga anak ang kanyang panahon. Thus, she’s taking her kids to New York this Christmas time, at babalik siya sa bansa on January 7, 2012 to resume work two days later.

Samantala, Kris won’t settle for anything less than being the second top-grossing film next to Enteng Ng Ina Mo under Star Cinema. For sure, because of her, well, trademark tactlessness ay ano kaya ang nasa isip ng kanyang co-producer na si Dingdong lalo’t ang nobya nitong si Marian Rivera is cast in Panday 2 na isa ring hinuhulaang tatabo nang bonggang-bongga (from the root word “Bong”) sa takilya?

Saturday, December 17, 2011

Kris Aquino, Nagtipid sa Regalo Ngayong Pasko

Chika ni Jo-Anne Kapulog


LA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes! Thanks God it’s Friday! At ramdam na ramdam na natin ang presence ng Christmas na talaga nga namang ilang araw na lang ay magpapalitan na ng mga regalo.

Speaking of bigayan ng regalo, nakakalurkey talaga ang chikka ng aking mga kaparazzi, dahil matagal-tagal ko na ring hindi naira-write-up sa aking column ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Paano ka nga namang hindi malulurkey, eh nagpamahagi na raw ng regalo itong si Tetay sa kanyang mga kaibigan sa industriya. At take note, ang ganda-ganda ng pagkakabalot, eh ‘yun pala ang mga laman, eh mga products na kanyang mga ine-endorse at mga magazines na siya ang cover.

Nakakalurkey talaga! Wit ko kineri ang mga eksenang ganyan, ha? Nagtitipid yata ngayon ang presidential sister, ha? Pero in fairness, at least kinarir niya ang diwa ng Pasko na magbigayan at i-share ang mga blessing.