MARAMI ANG natutuwa para kay Glaiza de Castro dahil nakatakda na itong bumalik sa pagiging bida. Ang dalaga ang bida sa upcoming primetime series ng Siyete na Bi-ritera. Makakapareha niya rito si Dennis Trillo at si Angelika dela Cruz naman ang magiging mahigpit niyang katunggali. Ginanap ang teaser shoot noong nakaraang Linggo.
Kasalukuyang napapanood sa epic-seryeng Amaya si Glaiza at marami nga ang nanghinayang nang biglaan itong ‘ma-demote’ sa supporting role kahit pa nagbida na ito noon sa Grazilda. May tsika rin na tutuparin na ng Regal Films ang pangako nitong bibigyan ng lead role si Glaiza matapos ipasa kay Lovi Poe ang pelikulang Aswang, na unang inalok sa kanya.
Wala pa raw nagaganap na story conference para sa Biritera, pero obvious naman sa title nito kung ano ang magiging flow ng istorya nito. Good luck sa ‘yo, Glaiza!
No comments:
Post a Comment