LUMABAS NA noong Lunes ng gabi ang official movie trailer ng Yesterday, Today and Tomorrow, na entry ng Regal Films para sa napipintong Metro Manila Film Festival.
Intriguing ang nasabing trailer lalo na nang umabot na sa mga eksena ni Solenn Heussaff, kung saan walang kiyeme itong nakipaglaplapan sa dalawang hunk actors na sina Dennis Trillo at Paulo Avelino. Base sa trailer, isang babaeng ayaw mag-commit sa iisang lalaki ang papel ni Solenn dito. Martyr na dyowa naman niya rito si Paulo na hinahayaan lang siyang maglaro.
Ang nakakaloka rito ay ang papel ni Dennis bilang gym instructor na iibig kay Solenn, pero bayarang kabit ni Agot Isidro na nanay ni Solenn sa pelikula! Kapana-panabik ang nasabing pelikula hindi lang dahil sa mga sexy scenes, kundi dahil na rin sa star-studded cast nito topbilled by the one and only Diamond Star Maricel Soriano.
No comments:
Post a Comment