Friday, December 23, 2011

Rachelle Ann Go, Ayaw Na Munang Mag-Boyfriend

Chika ni Carla Gonzales

Masayang-masaya si Rachelle Ann Go sa naging pagtanggap ng mga tao sa pinakaunang musical play niya na The Little Mermaid.

Ang The Little Mermaid ay itinanghal sa Meralco Theater, Pasig City mula noong Nobyembre 18 hanggang Disyembre 11.

Hindi raw inasahan ni Shin (palayaw ni Rachelle) na magugustuhan ng mga tao ang kanilang musical, lalo pa't ito ang pinakauna niyang theater play.

"Alam mo, nakakatuwa," bulalas niya.

"Hindi ko ine-expect na gano'n, na matutuwa, na madaming mag-e-enjoy.

"So, parang ako, nag-enjoy ako sa experience ko do'n.

"Although mahirap talaga 'yong every day na shows, rehearsals, nakakapagod talaga.

"Pero ang sarap sa pakiramdam, sobrang nag-enjoy ako, tsaka gusto ko siyang ulitin."

ADVERTISEMENT

Why Many People Like The Pop Belter of The Philippines "Angeline Quinto". It's NOT ONLY her AMAZING voice.


Bukod sa kakaibang karanasan, isa raw sa mahahalagang bagay na natutunan ni Rachelle sa teatro ay ang disiplina.

Kaya naman kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon ay nais niyang gumawa ulit ng isa pang musical.

"After kasi nito, sabi ko gusto ko gumawa ulit," pahayag niya.

"Kaso, next year, sabi ko nga, pahinga muna ako.

"Siguro after two years, ganyan.

"Mag-focus muna ako sa singing, i-promote ko muna 'yong album ko.

"Kasi naudlot, e, kasi nag-release ako ng album last year, tapos biglang nag-musical ako.

"So, hindi ko na-promote 'yon. So, ngayon, balik ako sa album."

ZERO LOVELIFE. Samantala, kung matagumpay ang career ni Rachelle, "zero" naman daw ang kanyang buhay pag-ibig.

ADVERTISEMENT


Top 10 Things To Know About Sarah Geronimo



Ayaw daw kasi niyang "maghanap" ng lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso, at gusto niya munang bigyan pansin ang kanyang career.

Matatandaan na nitong Hunyo ay nagkahiwalay si Rachelle at ang ex-boyfriend niyang si John Pratts.

Ayon sa singer, "Kasi ganito lang po 'yan, kasi pag mag-e-entertain ka, aasa lang 'yong tao.

"Pag nag-entertain ka, aasa lang 'yong tao, ayoko naman magpaasa ng tao.

"Kung alam ko lang na walang future, tsaka hindi ako ready.

"Ngayon, focus ako sa trabaho.

"Tsaka masaya ako, e, hindi ko kailangan ng someone to make me feel special, to make me feel loved.

"Parang, okay ako ngayon, bakit ko kailangan, para lang kiligin, ayoko, ayoko naman.

"So deadma na lang muna."

No comments:

Post a Comment