Monday, January 23, 2012

Rhian Ramos, Depressed Na, Wala Pang Trabaho

NAAAWA ‘YUNG isang kakuwentuhan namin dito kay Rhian Ramos. Nakapag-taping na raw ito ng 3 weeks para sa My Beloved ng GMA-7, pero nag-decide daw ang management na palitan na lang si Rhian ni Marian Rivera.

Na sumwak naman, dahil si Marian ay dyowa talaga ni Dingdong Dantes in real life. Pero dapat nga, si Rhian ang leading lady ni Dingdong, pero ang sey ng aming source, “pinagpapahinga” muna si Rhian hanggang sa tuluyan nang mabaon sa limot ang “bangungot experience” nito sa dating boyfriend.

“Imadyinin mo, nakapag-taping na for 3 weeks si Rhian only to find out na scratched lang lahat ‘yon at back to square one ang lahat? Saka ang matindi pa roon, lalo lang made-depress ‘yung bata, dahil wala siyang work, pahinga siya.

“Pa’no nga makakalimot ‘yung bata kung madadagdagan pa ng depression? And ang balita ko, si Rhian ang inaasahan sa family nila, tapos ngayon, wala pang work ‘yung bata?”

Ayon pa sa aming source, baka raw makaisip magpa-release sa GMA-7 si Rhian at kung pahihintulutan ng GMA-7, baka hanapin nito ang kapalaran sa ibang network.

Unless nga naman, me guaranteed contract si Rhian na kahit hindi pagtrabahuhin ay may inaasahang monthly salary sa GMA-7. Bongga pa rin, if ever.

Pero sabi nga ng aming source, “’Yung bata, depressed na sa nangyari sa kanila ni Mo at sa isyu regarding the abortion.  Hindi pa ia-allow mag-work, eh lalong made-depress ‘yon.

Well, in fairness to GMA-7, hindi naman siguro siya basta-basta pababayaan ng network. Baka meron silang bigger plans for Rhian sa kanyang pagbabalik na hindi lang natin alam kung kailan.

We Recommend:


Top 10 Gifts For Your Boyfriend This Valentine's Day


No comments:

Post a Comment