Tuesday, January 24, 2012

Jennilyn Mercado at Dennis Trillo, Bati Na

Sinabi ni Jennylyn Mercado ang mga dahilan kung bakit siya blooming ngayon. Isa sa mga dahilan na ito ay ang pagkakabati nila ng kanyang ex-boyfriend na si Dennis Trillo.

Sa pagdiriwang ng city-hood anniversary ng Navotas kung saan nakiisa si Jennylyn, marami ang nakapansin sa pagiging blooming ng Kapuso actress.

At sa panayam ni showbiz reporter Cata Tibayan, sinabi ni Jennylyn ang mga dahilan kung bakit siya blooming.

“Inspired ako siyempre. Dahil sa anak ko, sa pamilya ko at kay Luis (Manzano) na rin," nakangiting pahayag ni Jennylyn sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Martes.

Bukod dito, nagkaayos na rin daw sila ni Dennis na nauugnay naman ngayon kay Bianca King.

“Siyempre masaya. Kalimutan na natin tampuhan dahil new year na," anang aktres.

Sinabi pa ni Jennylyn na lalo raw naging tumibay ang relasyon nila ng bago niyang nobyo na si Luis dahil madalas silang magkasama ngayon dahil sa sports.

Ramdam din daw ni Jennylyn ang magandang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Luis, lalo na ang malabing na ina ng aktor na si Batangas Gov Vilma Santos-Recto.

Gayunman, wala pa raw silang plano ni Luis na lumagay sa tahimik ngayong taon.

We Recommend:

Top 10 Pinoy New Year's Resolutions


Top 10 Gifts For Your Boyfriend This Valentine's Day

5 Simple Things That You Can Do To Attract Positive Energy in 2012

No comments:

Post a Comment