Thursday, February 16, 2012

Jericho Rosales, Super Iwas Sa Tanong About His Non-Showbiz GF

LAST YEAR, sa promo pa lang ng MMFF entry nina Jericho Rosales et al na Yesterday, Today, Tomorrow, lagi na naming tinatanong kay Echo ang tungkol sa babaeng nagpapatibok ng puso niya. Pero iwas na iwas ito sa topic na ‘yun at ibalato na lang daw sa kanya hanggang sa susunod na taon, sa Valentine’s Day nga.

Pero nitong Sabado, sa isang event kung saan guest si Echo sa dating game ng isang face cream, muli namin siyang inusisa kung handa na ba siyang i-pakilala kahit pangalan man lang ng kanyang ‘apple of the eye’. Pero umiiwas pa rin ito na pag-usapan ang girl.

Pero sa kolum ng isang newspaper, binanggit niya ang pangalan ng isang Kim Jones na diumano ay karelasyon ni Echo. Isang Fil-British model daw itong si Kim na nakatira sa Australia. Well at least may pangalan na ang palaging iniiwasang tanong ni Echo.

Sa ngayon daw, busy rin siya sa paggawa ng album na dapat daw sana ay February ang release, kaso naantala, kaya baka March o April na ito lalabas. Kasalakuyan pa rin daw niyang ginagawa ang indie film na Alagwa, kaya busy raw talaga ngayon ang binata.

No comments:

Post a Comment