Thursday, February 16, 2012

Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Naimbyerna Kaya Kay DJ Mo Twister

Napaka-successful ng Valentine concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Smart Araneta Coliseum kamakalawa ng gabi. Masaya ang lahat at nag-enjoy sa tatlong oras na show ng mag-asawa.

Halatang miss na miss ni Regine ang pag-perform kaya talagang todung-todo ang pagbirit nito kasama si Ogie at ang mga guests nito.

Pero ang hindi masaya nung gabing iyun ay si Mo Twister na nasa Amerika dahil nakarating sa kanya na ini-spoof ni Ogie ang video niya na kumalat noon tungkol sa abortion issue. Isa sa mga itinwit nito,

“Just heard @ogiealcasid made fun of me crying in the abortion video. Classy move bud. Didn’t you just have a child? Glad, it’s alive.”

May kasunod pang itini-tweet si Mo na nagi-emote na, pero hindi na ito pinatulan ni Ogie. Sa halip, nagpasalamat sila sa lahat nang nanood sa kanilang concert.

Pero bandang huli naman ay nagkaayos din naman sila sa pamamagitan din ng Twitter.

No comments:

Post a Comment