Tuesday, February 14, 2012

Liz Uy, Binasted Pala si Pnoy

SA PRESSCON ng Viva, nakausap namin si Liz Uy na pumirma ng tatlong taong kontrata sa nasabing kumpanya. Ayon kay Liz, bukod sa pagiging stylist ay nakatakda siyang gumawa ng mga commercial at posibleng may isang project para sa telebisyon at pelikula.

Si Liz Uy ay ang dating ka-sintahan ni John Lloyd Cruz na noon ay iwas na iwas sa media, pero ngayon ay loveable na sa movie press.

“Actually, madaldal talaga ako. I love talking, pero siyempre that time na kami pa ni John Lloyd, kailangang protektahan ko siyempre ang work niya at iyon ang dahilan kung bakit iwas talaga akong magpa-interview,” sunud-sunod na sabi ni Liz sa amin.

Ayon kay Liz, after nilang mag-break ni John Lloyd, five years ago, muli na silang nakapagtrabaho ng aktor. “Kinuha akong stylist sa isang ginawa niyang commercial and okay naman dahil magkaibigan kami at hindi naman siya mahirap bihisan. Actually, kung meron mang madaling damitan sa showbiz, siya iyon.”

Pag-amin pa rin ni Liz, sinabi nitong bukod kay John ay sina Vhong Navarro, Raymond Gutierrez at Pangulong Noynoy Aquino ang madaling damitan. “Hindi kasi sila maarte. ‘Pag pinasuot ko ‘yung ganitong damit, sinusuot nila. Then kung ayaw nila, sinasabi nila sa akin kaya walang nagiging problema.”

Speaking of P-Noy, mariing sinabi ni Liz na irespeto na lang daw ang lovelife ng pangulo at hindi na siya dapat pang magbigay-komento hinggil sa ginagawa nitong panliligaw kay Grace Lee.

“No comment ako diyan dahil malaki ang respeto ko sa pangulo. Siguro pag-usapan na lang natin ang maraming bagay sa akin, huwag lang iyan.” Sabi pa ng dalaga na sinundot ng ganitong tanong ng isa sa mga kasama namin sa panulat. “Kaya ba ayaw mong pag-usapan si Pangulo dahil basted siya sa iyo?”

Biglang nanlaki ang mga mata ni Liz. Kitang-kita sa kanyang mukha ang expression na hindi mo maintindihan. “Huwag na huwag na nating pag-usapan ‘yan. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa akin,” tumatawang-naiilang na pagtatapos ni Liz.

No comments:

Post a Comment