Natuwa si Sam Pinto nang malaman na siya ang gustong maka-date ni Aljur Abrenica bukas, Araw ng mga Puso.
At kung siya ang masusunod, gusto ng seksing aktres na sa beach sila magsama ni Aljur.
“If that would happen, I would want us to go to the beach.
I love the beach so much, it would be perfect if he would take me there. Kahit simple lang, like candle light dinner while watching the sunset,” sabi ng FHM sexiest woman at endorser ng San Mig Light.
Mukhang uubra ito dahil maraming beach sa Batangas. Kahit patawang sinabi ni Aljur na sa Paris niya gustong maka-date si Sam, gusto niyang makita nito ang kanyang bar sa Batangas.
“Pwede siguro sa bar namin sa Batangas. Gusto ko simple lang pero special. Gusto ko ako ang mag-prepare para sa kanya, magmula set-up ng place hanggang sa food,” pahayag ni Aljur.
“I’m shy to admit but sobrang crush ko si Sam. Iba kasi ‘yung appeal niya, iba ‘yung dating. Kapag nasa Party Pilipinas, I sometimes feel awkward when I see her,” dagdag pa niya.
Problema nga lang ay mukhang sobrang busy ni Aljur. Sa kasalukuyan ay ginagawa nya ang pelikulang My Kontrabida Girl. Malamang na ang pamilya niya ang makakasama sa Valentine’s Day.
“Family ko na lang ang date ko. Kasi madalang ko na silang makasama,” sey na lang ni Aljur.

No comments:
Post a Comment