Tuesday, February 28, 2012

Piolo Pascual, Pantasya Pa Rin ng Bayan Kahit Malansa

KAHIT SABIHIN pang pinagdududahan ang gender ni Piolo Pascual ay nanatiling pinagnanasaan pa rin siya ng maraming matrona, bading at ng iba pang mga girls.

Iba kasi ang karisma ni Piolo. Iba kasi ‘yung dating niya kahit sabihin pang inilampaso ni KC Concepcion ang kanyang pagkalalaki nu’ng sila ay maghiwalay.

Bukod sa hindi kasi madaldal si Piolo, hindi ito ‘yung klase ng tao na nananakit ng damdamin ng kanyang kapwa. At marahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit Papa Yummy pa rin ang dating niya sa publiko kahit sabihin pang may naamoy silang “malansa” sa pagkatao ng binata.

“Sana nga si Rustom Padilla, nag-ala Piolo Pascual na lang na kahit natsi-tsimis ang pagkalalaki ay hindi nagladlad. Tingnan mo naman, yaming-yummy pa rin si Piolo, samantalang si Rustom (BB Gandanghari), yak na yak,” tumatawang sabi ng mataray naming kaibigan, huh!

1 comment:

  1. even having bad image iniidolo parin nag mga tanga na pinoy ay buhay.................

    ReplyDelete