Wednesday, February 29, 2012

Diether Ocampo, Ibinuking ni Kris Aquino

MAGALING LANG talagang magpa-cute sina Kris Aquino at Diether Ocampo na kunwa-kunwari’y parang nagliligawan sila na hindi mo mawari, pero wala naman talaga. Para lang ‘yang pagpapa-cute din mabanggit lang sina Senator Chiz Escudero at Makati Mayor Jun-Jun Binay, pero kapag nilaliman na ang usapan patungo sa posibilidad na magkaroon ng ligawan at relasyon, umaatras naman ang isyu at nauuwi talaga sa wala. Isyung ampaw kumbaga, walang laman.

Parang nagpapa-cute ulit si Diether kay Kris nitong huli. Mabuti na lang at umandar ulit ang pagkataklesa ni Tetay at ibinuking ng mommy ni Baby James na kilala niya ang idine-date ngayon ni Diet. Kaya umatras naman ang guwapong aktor sa kanyang kadramahan na akala mo’y dinideskartehan niya ang magaling na TV host. Simpleng nasupalpal siya ni Kris. May bago kasing teleserye na lalabasan ang aktor sa ABS-CBN, ang “Lorenzo’s Time” kaya nagpaparamdam na naman si Diet.

Ang tagal na ring walang project ni Diether. Tamang-tama ang pagbabalik niya sa teleserye, dahil nakakasabik na nga siya, dahil hindi na siya napag-uusapan sa showbiz. Sa tuwing pag-uusapan kasi siya, ‘yung walang linaw na pagkakaugnay niya kay Kris ang isyu. Tama na ‘yang kadramahan na kaya naudlot ang pagporma niya kay Tetay ay dahil ayaw ng mga nakatatandang kapatid na babae ng TV host kay Diet, dahil bukod sa guwapo ay mas bata. Ano kayo?  Kapag si Kris ang nagmahal, hara-ngan man ng sibat ay sisige lang ‘yan. Dahil ganu’n siya nang mahalin niya sina Philip Salvador, Joey Marquez at James Yap.

No comments:

Post a Comment