Thursday, March 1, 2012

Erich Gonzales Laban Kay Rhian Ramos

HALOS SABAY na pumasok sa showbiz sina Rhian Ramos at Erich Gonzales. Pareho din silang bini-build up ng kani-kaniyang TV networks para maging top leading ladies ng kanilang he-nerasyon. Hindi rin naman sila nagpapatalo pagdating sa kontrobersiya at pareho rin silang magaling sa pag-arte.

Sabay na ipapalabas sa March 14 ang kani-kanilang pelikula: Ang My Kontrabida Girl ay isang romance-comedy film na pinagbibidahan ni Rhian Ramos at kapares niya rito si Aljur Abrenica. Sa kabilang banda, isang horror-romance story naman ang Corazon: Ang Unang Aswang na bida si Erich Gonzales. Kapares niya rito si Derek Ramsay at na-link pa nga ang dalawa na diumao’y pinagselosan ni Angelica Pa-nganiban.


Sino kaya kina Rhian at Erich ang susuportahan ng masa? Let the battle in the box-office begin!

No comments:

Post a Comment