Saturday, March 3, 2012

Sarah Geronimo, Kinokontra na Ang Kanyang Ina

TILA NAGRERE-BELDE na raw ngayon si Sarah Geronimo sa kanyang madir na si Mommy Divine.

Somebody whispered to us that she now has the guts to oppose her mom’s wishes.

Minsan daw kasing nagtalo ang mag-ina. Ang gusto raw kasi ng madir ni Sarah ay hindi taga-showbiz ang kanyang mahalin para walang intriga o kung meron man ay hindi masyadong maintriga.

Bigla raw sumagot si Sarah na ‘wag na siyang pakialaman sa kanyang love life dahil she’s already 23.

Medyo na-shock nga raw si Mommy Divine dahil first time daw niyang narinig na kinontra ang kanyang gusto ng kanyang anak.

Ang alam daw ni Mommy Divine ay nanliligaw pa lang si Gerald Anderson kay Sarah. Ang hindi niya alam ay magdyowa na ang dalawa. Hindi na raw pinaalam ni Sarah ang tunay niyang relasyon dahil alam niyang kahit papaano ay pipigilan siya nito dahil ayaw pa niyang magka-boyfriend talaga ang dalaga.

No comments:

Post a Comment