Sunday, February 12, 2012

Xian Lim, Sino Kaya Ang Ka-Date sa Valentine's Day

Kahit nagtapos na kamakailan ang teleseryeng My Binondo Girl ay patuloy pa rin ang suportang ibinibigay ng mga tagahanga ni Xian Lim sa kanya.

“I’m really thankful, ang daming sumusuporta, dami nila, lalo na ang mga online supporters. Thank you,” bungad ni Xian.

Ayon sa binata, ibang klase magmahal ang kanyang supporters dahil pinupuntahan siya kahit saan man siya naroroon. Laking pasasalamat din ni Xian dahil nag-click ang kanilang tambalan ni Kim Chiu kaya naging komportable na rin sila sa isa’t isa.

“Bilang love team kasi kung hindi ’yan komportable baka hindi ’yan mag-work. I’m really happy na we’re good friends, kulitan lang. Happy-happy lang,” paliwanag ng aktor.

Gusto ring iparamdam ni Xian kay Kim na espesyal ang dalaga para sa kanya.

“Gusto ko lang masaya siya parati. Ayoko namang mag-feeling na nanggagaling sa akin ’yung mga ngiti niya. Siyempre marami ring nangyayari sa buhay niya ngayon. Hindi ko naman alam kung kasali na ba ako dun sa mga pagngiti niya ’di ba?” dagdag pa ng binata.

Sino kaya ang makaka-date ni Xian sa nalalapit na Valentine’s Day? “Ang masasabi ko pa lang at this point, I’m planning to spend it with a special person. Wala pang confirmation,” nakangiting tsika ni Xian.

No comments:

Post a Comment