Sunday, February 12, 2012

Xian Lim, Sumikat Hindi Dahil Kay Kim Chui

SA PAKIKIPAG-USAP namin kamakailan kay Xian Lim, idinepensa ng young actor ang sarili sa sinasabi ng iba na sumikat lang siya mula nang mapareha kay Kim Chiu. May punto naman ang young actor nang sabihin nito sa amin na teamwork ang sa kanila ni Kim at kung wala talagang chemistry, effort at tiwala sa parehong panig nila ng aktres, ‘di ito magiging ganu’n kaepektibo. Consitent pa rin sa mga pahayag niya na ang gusto lang niya ay maramdaman lagi ng kapareha na espesyal itong tao, mukhang tumatama naman ito sa puso ng young actress dahil inamin nito sa amin na isa si Xian sa nagpapasaya sa kanya.

Kinumpirma sa amin na may pelikula nga silang gagawin ni Kim at nakalinya rin ang isang teleserye na pagtatambalan nilang muli pagkatapos ng My Binondo Girl. Sa ngayon pa lang kasi ay marami nang natatanggap na mga e-mail ang ABS na humihiling na mapanood sana muli sa telebisyon ang tambalang Kim-Xian. Kung si Kim ay magpopokus ng atensiyon niya sa pelikulang The Healing, kung saan makakasama niya si Gov. Vilma Santos, abala naman ngayon si Xian sa shooting ng The Reunion, isang barkada film kung saan makakasama niya sila Enchong Dee, Kean Cipriano at Enrique Gil.

No comments:

Post a Comment