Tuesday, March 27, 2012

Ang Sukat ng Alindog ni Judy Ann Santos

Kahit saan magpunta si Judy Ann Santos ay ang kaseksihan nito ang pinag-uusapan. Eh, sa presscon nga kamakailan ng Eden Cheese ay inusisa na naman ang kanyang kaseksihan.

Kunsabagay, mas lalong pumayat si Juday ngayon, at talbog pa nga niya ang mga dalaga ngayon, dahil sa ganda ng kanyang katawan. Para nga raw hindi nanganak si Juday, eh.

Kaya hayun, panay na naman ang kulit sa kanya ng mga press, kung ano raw ba ang sukat ng kanyang alindog.

“Ay, hindi po ako nagsusukat ng alindog! Si Paul Cabral (designer ni Juday) po ang nakakaalam ng vital statistics ko,” sagot lang ni Juday.

No comments:

Post a Comment