Wednesday, March 21, 2012

Ang Way ng Panliligaw ni Xian Lim Kay Kim Chui

Noong isang linggo ay naikuwento ni Xian Lim sa isang panayam na naipakilala na siya ni Kim Chiu sa pamilya ng dalaga. Kasamang nag-dinner ng pamilya ni Kim si Xian noon.

Naikuwento naman ni Kim kung ano ang nangyari nang makilala ng mga kamag-anak niya si Xian.

“Actually, nandito ’yung lola ko, ’yung mga kamag-anak ko. Nag-dinner kami ’tapos sabi nila, ‘Gusto naming makilala si Xian.’ Siyempre nanonood sila ng My Binondo Girl. So, tinawagan ko siya, sabi ko, ‘Uy puwede ka ba tonight? ’Tapos sabi niya, ‘Oo naman. Ano’ng meron?’ Sabi ko, ‘Dinner kasama ng mga kamag-anak ko. The true family.’ Oo sige, sige sabi niya agad na walang pakundangan na ’di na nagdalawang-isip,” paglalahad ni Kim.

Maganda naman ang naging pagtanggap ng pamilya ni Kim sa binata.

“Okay naman, mabait naman daw si Xian, magalang. Masaya sila na nakilala nila si Xian, and thank you rin dahil pinaunlakan niya ’yung dinner kasama ng family ko,” dagdag pa ng dalaga.

Patuloy pa rin ang ginagawang panliligaw ni Xian kay Kim kahit hindi na sila magkatrabaho ngayon. “Consistent naman siya, and dahan-dahan muna. Siyempre mas maganda ’yung matagal muna ’yung pagiging magkaibigan or saan man papunta ’to. Huwag naman ’yung pabigla-bigla. Maganda ’yung may foundation. Mas maganda na mas kakilala n’yo ’yung isa’t isa bago kayo papasok sa isang bagay,” paliwanag ng young actress.

Masayang-masaya at nagpapasalamat naman si Xian sa ginawang pagpapakilala sa kanya sa pamilya ng dalaga. 

No comments:

Post a Comment