Wednesday, March 21, 2012

Aga Muhlach, Gustong Bawasan Ang Pagiging Broken Hearted ni KC Concepcion

Nanalong best actor si Aga Muhlach sa katatapos pa lamang na 28th Star Awards For Movies para sa pelikulang In the Name of Love. Ayon kay Aga ay kinakabahan pa rin siya hanggang ngayon sa tuwing nano-nominate siya sa mga awards night.

“Siyempre naman, ayaw mo naman asahan minsan pero kapag tinawag na ’yung pangalan mo, nakaka-nerbiyos kasi you want to win also. Kapag nanalo ka, masarap. The last time I got one was in 2007,” pagtatapat ni Aga.

Ngayon ay natsa-challenge na ang aktor kaugnay sa mga susunod niyang gagawing pelikula.

“As you grow older, it gets harder. For projects, what else, ano pang puwede kong gawing pelikula? Although naghahanda naman ako palagi. I’ll be coming out with a new movie and I’ll make sure na magugustuhan ng tao more than my critics. Pero kung mabigyan man ng pansin, all the better,” dagdag pa ng aktor.

Ngayon ay gustong maging leading lady ni Aga si KC Concepcion. Alam din ni Aga ang mga pinagdaanan ng dalaga sa buhay pag-ibig nito.

“I really want to work with KC, especially now. She’s more open now. I want to tap ’yung angst niya ngayon, ’yung dala-dala niya, and I really have a project for her already. I was asking her, let’s start in June. I have a script already,” kuwento pa ni Aga.

No comments:

Post a Comment