Thursday, March 15, 2012

Angeline Quinto at Sharon Cuneta, May Tampuhan

Sa recording para sa second album ni Angeline Quinto, nakausap ng Push.com.ph ang singer at ibinahagi niya kung ano ang aabangan sa kanyang bagong album. Isa dito ay bahagi ang lahat ng kanyang mga kinantang theme songs ng mga teleserye. “Sinabi ko nga rin po sa kanila na sana maisama yung mga theme songs at pumayag naman po sila kasi alam ko naman po na yun ang gusto ng mga tao. Kasi marami pong nag-aabang na marinig naman nila mismo sa bahay nila yung mga theme songs.”

Sobrang successful ang naging first album ni Angeline kaya naman nang matanong siya kung nararamdaman niya ba ang pressure na kung hindi man mahigitan, matapatan man lang ang naabot ng kanyang first album, ito ang kanyang nasabi, “Sa ngayon po hindi ko po iniisip na sana malagpasan ko yung unang album. Sa totoo nga po parang natatakot po ako parang ang daming nagsasabi na ang bilis-bilis ng mga nangyayari sa akin sabi ko nga taon ko last year at baka nga itong 2012 hindi ko na ito taon. Pero nagpapasalamat ako talaga na parang mas dumoble pa po yung swerte na natatanggap ko.”

At isa pang kaabang-abang sa album na ito ni Angeline maliban sa mga kanta ay, “Magaganda po yung mga pictures e kasi mas payat na ako ngayon kesa dati, ‘di po ba? Kaya sabi ko sa kanila abangan niyo yung mga pictures sa pangalawang album ko dahil mas maganda na ako magpose ngayon at kapag may pictorial alam ko na yung anggulo sa camera ganun.”

Sa nalalapit din niyang concert with Brian McKnight, naibahagi din ni Angeline ang kanyang nararamdaman sa pagsasama nila ng international singer. “Si Brian McKnight lang po kasi bata pa lang po ako kilalang-kilala ko na yan e. Bata pa lang po ako yung ‘One Last Cry’ nga na pinasikat niyang kanta. Sabi ko nga po paano kami magkakaintindihan nito kasi ‘di ba slang? Slang si Brian sabi ko bahala na kasi medyo kinakabahan ako dahil may duet po kami ni Brian.” At pabiro pa ng dalaga kung iinterviewhim siya ni Brian, “Siyempre di ko naman po uurungan yun ‘di ba?”

At sa mga paghahandang kanyang ginagawa para sa concert na ito, “Mas lalong nag-aaral ng English. Saka lagi ko pong pinapakinggan yung mga kanta ni Brian. Baka kasi isa sa mga kanta niya ang mai-duet naming. Saka excited na rin po ako na makilala siya kasi alam kong excited na rin po siyang pumunta dito sa Pilipinas.”

Sinagot na rin ni Angeline ang naging tweet ni Sharon Cuneta sa kanyang Twitter account na nagtatampo siya sa mga Star Power girls nang hindi man lang daw sila nakaalala o nakapunta man lang para sumuporta sa concert ng Megastar kasama si Martin Nievera sa Big Dome. “Nakarating nga po sa akin yung balitang nagtampo nga po si Mama Sharon. Sabi ko nga po nung time na nagconcert si Sir Martin at Mama Sharon sa Araneta, may shooting po kami nun sa pelikula e. Medyo malayo din po kasi yung lugar kaya nung araw po na yun mismo nagtext na po ako kay Mama Sharon. Sabi ko po, ‘Ma, pasensiya na po kayo. Kahit na gustuhin ko man pong makarating diyan ng Araneta, hindi po talaga ako makapunta kasi nandito po ako sa shooting ngayon.’ Naiintindihan naman niya po. Tapos nag-tweet na rin naman po ako sa kanya bago po yung concert.”

At ang naging pagtatanggol din naman ni Angeline sa kanyang mga kasama sa Star Power. “Sa mga kapatid ko naman po alam ko nasa probinsiya sila nung time na yun.”

Kaya naman nilinaw na niya ang isyung ito. “Sa totoo nga po, bago magconcert si Mama Sharon, magkatext kami ng madalas nangangamusta po siya. Sabi niya nga po nakalimot ka na, hindi naman po mangyayari yun. Kahit nga po nandun na siya sa kabila, lagi pa rin po kami sa communication.”

1 comment:

  1. lagi na lang nagtatampo itong si sharon! bitter ka teh!

    ReplyDelete