Thursday, March 15, 2012

Bea Alonzo, Makakasama Sina Angel, Angelica, at Toni sa Isang Movie

Tiyak na aabangan ang pelikula na pagsasamahan ng apat sa pinakasikat at pinakamagagaling na artista ng henerasyong ito na sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Toni Gonzaga, and Angel Locsin. Ayon nga kay Bea, “Fresh na fresh ang news na magkakasama kaming tatlo (Angel at Angelica) kasama si Toni G sa isang pelikula. Hindi pa namin alam kung kailan magsa-start, hindi pa namin alam kung ano ang istorya. Excited lang kami na magkakasama lang kami.”

At dahil apat sa pinakamalaking leading ladies ng henerasyon ito ang magsasama-sama sa pelikula, sino naman kaya ang leading man na makakatambal nila? Ayon kay Angel, “Kasi right now lang naman sinabi na magkakawork kayong together pero wala pang final na kung ano pa ang mangyayari.” Pabirong dagdag ni Angelica, “Isa din siyang surprise!”

Pero bago pa man ang nakumpirma ang proyektong ito, napag-uusapan na rin naman nila na sana nga ay magkaroon sila ng pagkakataong magkasama-sama. Pag-amin ni Angelica, “Oo naman lagi. Lagi kong napapanood yung mga ginagawa nilang project. Sobra akong fan ng mga ginagawa nila [kaya] ganun ako ka-vocal. Kaya ako nae-excite sa mga mangyayari, mga kalokohan ganun.”

Inunahan na nila ang maaring maging issue ng sapawan sa bawat isa sa kanila. Ayon kay Angelica, “Alam niyo magtiwala tayo sa Star Cinema kasi hindi naman maganda na may mas magandang role na ibibigay kay ganyan o kay ganito. I’m sure kung sino man ang maghahandle na director e sapat lang ang mangyayari.” Dagdag pa ni Angel, “At saka para magwork yung pelikula dapat may cooperation ang bawat artista para walang nangingibabaw, walang kulang at nakikita na healthy yung relationship niyo off-cam.”

Nakikita na ang kulitan nina Angelica, Angel, at Bea sa interview kaya naman natanong na din kung excited din ba silang magkakwentuhan at magkaroon na ng bonding moments together at dahil blooming din ang love life ng bawat isa sa kanila. “Baka dito, baka sakali dito mas magkakakilanla kami so sana nga kung possible si Anne (Curtis) din. Nakakatuwa din isipin na nasa iisang genre kami tapos magkakasama kami sa isang pelikula,” paliwanag ni Bea

Dagdag din ni Angelica, “At magkakasundo, yun ang mahalaga dun. Hindi kami nagpapataasan ng kumbaga pride o papel sa isa’t-isa. Tapos nakakatuwa at nakakaexcite hindi lang sa amin pati sa mga manonodd kasi alam nilang mabubusog talaga sila.”

At sa posibleng “billing issues” ay may sagot na si Angel. “Sa ngayon hindi pa naming iniisip yun e mas sa story kami excited sa totoo lang.”

No comments:

Post a Comment