Wednesday, March 28, 2012

Cristine Reyes at Piolo Pascual, Sweet sa Isa't Isa

First time na makatrabaho ni Cristine Reyes si Piolo Pascual sa Dahil Sa Pag-Ibig at mabilis siyang humanga sa aktor dahil sa magandang pakikitungo sa kanya. “Gusto ko siya kasi parang ang sweet niya, kunwari wala naman sa eksena tapos kakausapin niya ako, ganon. Basta minsan parang kikiligin ka sa kanya ‘pag may ibang ginagawa na hindi siguro niya alam na nakakakilig,” nangingiting kuwento ng aktres.

Sa ngayon daw ay inaayos na ng Viva Entertainment, ang talent arm ni Cristine, ang kanyang susunod na movie, at mayroon pang wish ang dalaga. “Sana si Piolo ang leading man ko. I like him as a person,” pag-amin niya.

Dahil daw sa kanilang teleserye, nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala kung sino talaga si Piolo. “Nakilala ko lang siya ngayon and du’n ko na-discover [na] ‘yun pala ‘yung Piolo na nakikita ng ibang tao, kasi ngayon ko lang siya nakatrabaho.”

Maganda ang takbo ng career ngayon ni Cristine at last year ay nagmarka talaga ang pelikula niya with Anne Curtis at Derek Ramsay na No Other Woman. “Nagkaroon ako ng dream na sana magkaroon ng movie pero hindi ko na-imagine in my wildest dreams na magkaroon ng blockbuster movie (No Other Woman), so it’s a blessing for me. Hindi ko na-imagine na aabot ako sa ganito kasi ambisyon lang siya until nagtuloy-tuloy na, so thankful na ako.”

Laging itinatanong kay Cristine kung handa ba siya, kasama si Anne, kung kilalanin sila bilang Box-Office Queens this year. Ang sagot ng aktres, “Hindi ko pinaghahandaan kasi hindi ko ine-expect. Gusto ko ma-surprise na lang ako kasi ang hirap ng mage-expect.”

No comments:

Post a Comment