Sunday, March 11, 2012

John Lloyd Cruz, Naglasing Dahil Hindi Nakatanggap ng Bonus

VICTORY PARTY ‘yon last Wednesday night para box-office success ng UnOfficially Yours. Siyempre pa, masaya dapat ang lahat ng nandoon. Tuwang-tuwa ang buong cast dahil tinalo na ng Angel Locsin-John Lloyd Cruz movie, na showing pa rin hanggang ngayon, ang My Amnesia Girl nina John Lloyd at Toni Gonzaga. As of two nights ago, naka-P165 M na ito sa box-office.

Pero ‘yun nga, sa kabila ng kasiyahang iyon, isang tao ang malungkot. Ayon kasi sa aming source, nakatanggap nga raw ng bonus ang lahat ng cast mula sa Star Cinema. Except for one, si John Lloyd.

Ayon pa rin sa source namin, hindi raw malaman ni John Lloyd kung bakit lahat ay nabigyan ng bonus, ultimo ang mga staff, pero siya na tinaguriang Box-Office King, walang natanggap ni singkong duling!

Pinaghihinalaang may “internal problems” kaya hindi binigyan ng bonus si John Lloyd. Pero may nagsasabi namang baka “unofficial” ang chikka na ito at bigla na lang sorpresahin ng bonus si John Lloyd ng Star Cinema.
‘Eto na. Dahil nga raw sa sobrang sama ng loob, right after the party, ay nagyaya si John Lloyd sa isang bar sa may Panay Avenue. Doon na ibinuhos ni John Lloyd sa mga kasamang stafff ang kanyang sama ng loob sa Star Cinema.

1 comment:

  1. im sure may bunos yan,may staff nga may bunos eh si jlc pa kaya na sya yung lead actor sa movie? baka may dahilan lang kung bakit na-dalay or sadyang hindi pa binigay ng star cenima yung bunos na para sa kanya.sana wag agad mgbgay ng conclusion.

    ReplyDelete