Saturday, March 24, 2012

KC Concepcion, Garrie at Luis-Ryan, Magshoshowdown sa ASAP

Walang humpay ang saya sa tuloy-tuloy na summer party ng ASAP 2012 ngayong Linggo (Marso 25) na pangungunahan ng ASAP mainstays na sina Gary Valenciano, Vina Morales, Toni Gonzaga, Nikki Gil, at Yeng Constantino bilang pagbibigay pugay sa Women’s Month.

Iba’t ibang showdown ng galing ang bibida sa ASAP concert stage kabilang ang vocal collaboration na ihahandog nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Erik Santos, Christian Bautista, Arnel Pineda, Billy Crawford, Jed Madela, Jovit Baldivino, at ng ASAP Sessionistas; ang paghataw ng beauty queen na si Bianca Manalo ka­sama ang My Girl winners; at ang dance-off ng mag­kakapatid na showbiz royalties na sina KC at Gar­rie Concepcion kasama sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Dapat ring abangan ngayong Linggo ang grand launch ng pinakabagong album ni ASAP Pinoy Champ na si Angeline Quinto; romantic production num­ber nina Kim Chiu at Xian Lim; pagpapasiklab ng teen Supahstars na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo; musical showcase ng British vocal quartet na Blake; at ang twin summer birthday cele­bration ng OPM rock icon na si Bamboo at ng Kapamilya heartthrob na si Matteo Guidicelli.

Samantala, ballroom vs. hiphop naman ang labanan sa ASAP Supahdance nina Rayver Cruz, Jes­sy Mendiola,  Iya Villania, Maja Salvador, Enchong Dee, John Prats, at Iza Calzado.

No comments:

Post a Comment