Saturday, March 24, 2012

Jake Cuenca, Bakit Kaya Super Lungkot Ngayon

Kung ang mga tweets ni Jake Cuenca ang pagbabasehan, tila may problema siyang pinagdadaanan. Nagsimula ang kanyang sentimyento nang i-post niya ang ilang lyrics mula sa isang kantang pinamagatang “Hey Daydreamer.” “When it’s over, you gotta make sure that it’s you who will be with her,” ang nilalaman ng lyrics. Ang nasabing kanta ay heartbreak song na tungkol sa isang nagmamahal na masayang-masaya na kapiling ang kanyang pinapangarap na babae subalit sa reyalidad ay hindi naman sila.

Tila nga isang babae ang tinutukoy ni Jake dahil ang sumunod niyang tweet ay hinggil sa pagbabalik-alaala bunsod ng familiar scent. “There is this one scent that takes you back to all the best memories! :) I had the pleasure of experiencing that today! :)” tweet ni Jake. Sunod-sunod ang nasabing mga tweets na na-post noong Miyerkules, March 21.

Hindi naman napigil ng aktor ang emosyong kanyang nararamdaman sa sumunod niyang post. “First time I'm ever gonna say this but I can't help it... FML!!!!!!!:) Wow it actually feels good!” nakakaintrigang post ni Jake.

Kinumpirma naman sa kasunod na tweet na emosyonal nga si Jake. “Been through a lot, but I've never been burned like this before... Maybe karma... :)
Sinundan pa ito ng, “And You know what karma is a b***h... :) Trust me I know... :)”

Tila bahagyang nahimasmasan si Jake sa kanyang nararamdaman nang isang positive tweet ang isinunod niyang inilabas. “Not every day is Christmas... Even then let's just count our blessings kahit wala pang regalo... :)”

Magaganda ang mga nangyayari ngayon sa career ni Jake na recently ay nanalo ng kanyang first acting award nang parangalan bilang Best Supporting Actor sa Star Award for Movies para sa pelikulang In The Name Of Love. Malapit na ring ipalabas ang upcoming teleserye niya with Shaina Magdayao at Bangs Garcia, ang afteroon soap opera na Kung Ako'y Iiwan Mo.

1 comment:

  1. happy ako at mapapanood ko uli sya sa isang teleserye ng kapamilya....pro sna wag na sya malungkot....

    KAPAMILYA SINCE BIRTH

    ReplyDelete