Thursday, March 29, 2012

KC Concepcion, May Bago na Kayang Pag-ibig

Mukhang malapit nang magbukas sa panibagong pag-ibig si KC Concepcion matapos niyang aminin ang paglabas niya kasama ni Jules Knight, isa sa miyembro ng British band na "Blake."

Pero sa kanyang Twitter account, mabilis din ang paglilinaw ni KC na hindi dapat mag-isip ng iba pang bagay ang mga tao dahil kumain lang naman sila ng hapunan ni Jules.

"Offline for now my Tweeties. Mahal ko kayo :) Paalala po, dinner lang po yun, wag po tayo masyadong excited. hehe ^^ xx," ani KC sa mga follower niyang umaasa na maging sila na lang ng British singer.

Matapos ang hapunan nila nitong Martes ng gabi, nagkapalitan pa ng tweets ang dalawa.

"@kc_concepcion night night, sleep well beautiful girl xx," ani Jules.

"Thank u knighty for ur smiles tonight! x RT @MrJulesKnight: @kc_concepcion night night, sleep well beautiful girl xx," sagot naman ni KC.

Matatandaang nitong Linggo binigla ni Jules si KC ng yayain niya ang dalaga sa isang dinner sa live guesting nito sa ASAP.

Sa mga naunang panayam, inamin ni Jules ang paghanga sa anak ng Megastar at ang pagnanais niyang mas makilala pa ang aktres.

No comments:

Post a Comment