Wednesday, March 7, 2012

Kimeralds Galit na Galit Nanaman kay Sarah Geronimo

UMAANDAR NA naman ang galit ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson para sa closeness ng guwapong aktor kay Sarah Geronimo. Hayan na naman ang kanilang mga pang-iinis, na kesyo nagagamit lang daw ni Sarah ang pangalan at kasikatan ni Gerald. Siyempre, sa mga nangyayaring ito ay hindi naman matutuwa si Kim, dahil matagal nang nakagarahe ang isyu nila ni Gerald, at pareho na silang nananahimik.

Tantanan na kasi ng Kimerald ang mga babaeng nali-link kay Gerald. Kasi nga, kahit pa anong pagsisintir ang kanilang gawin ay wala silang magagawa sa ngayon, dahil magkakaiba muna ang mga trabaho nina Kim at Gerald. Laging kauna-unawa ang kanilang pagseselos, dahil ganu’n ang kanilang pagmamahalan sa loveteam nina Kim at Gerald. Kaya lang, huwag naman nila laging gawing eksena na mang-inis ng mga kapareha ni Gerald.

Sa totoo lang kasi, parehong mabait sina Sarah at Gerald. Bagay silang magkasama ngayon, kaya kumikita ang kanilang mga pelikula. Nagkakatulungan sila, hindi naggagamitan. Pareho silang napag-uusapan. Ang nakababahala nga rito, parang nu’ng magkahiwalay ang tambalan nina Kim at Gerald, ay si Kim ‘yung medyo nagkaroon ng lamlam ang kasikatan. Samantalang si Gerald, kahit hindi idikit kay Sarah, ay patok ngayon sa masa, dahil nagustuhan ang pagbibida niya sa teleseryeng Budoy ng ABS-CBN.

1 comment:

  1. totoo! tama! bongga ang writer! Makatotohanan ang ibinabalita!

    ReplyDelete