Wednesday, March 7, 2012

Vic Sotto, Hindi Pa Talaga Handa

SIMPLE LANG naman lagi si Vic Sotto sa pagdadala ng kanyang personalidad, na tipong hindi naman siya mapag-kuwento ng kanyang mga plano sa buhay, kaya sa mga panahong ito ay marami ang nalungkot sa kanyang sinabi na wala pa talaga sa kanyang isipan ang tumakbo bilang kandidato sa darating na local elections. Marami kasi talaga ang humihikayat sa sikat na komedyante para pasukin na ang larangan ng pulitika.

Napakaganda kasi ng exposure na ibinibigay kay Vic sa programang Eat Bulaga, kahit pa sabihing hindi naman sila nagkakainggitan o nagsasapawan nina Tito Sotto at Joey de Leon. Ang dating kasi ng mga eksena ni Vic sa show ay lalong nagpapalapit sa kanya sa masa. Kaya siya na ang bukambibig ng mga televiewers. Napagbibintangan tuloy si Tita Malou Choa-Fagar, na siya ang utak sa planong ilapit talaga si Bossing sa masa, para pasok sa pulitika sa darating na panahon.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang mga taong humihikayat kay Vic na maramdaman niya rin sa puso at isip niya, na maglingkod siya sa masa sa pamamagitan ng pagkandidato sa halalan para malagay siya sa anumang puwesto. Sa ngayon kasi, ang laman ng utak ni Bossing ay makapagprodyus pa ulit ng mga pelikulang magpapasaya sa mga tao dahil ito pa rin nga ang panahon niya sa showbiz bilang komedyante na sinasabing sumunod sa yapak ng Comedy King na si Mang Dolphy.

No comments:

Post a Comment