Friday, March 9, 2012

Kris Aquino at Grace Lee, Nagkita na.

Masayang nagkwento ang Kapuso host na si Grace Lee tungkol sa unang pagkikita nila ni Kris Aquino, ang bunsong kapatid ng kanyang manliligaw na si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III.

Sa panayam ni showbiz reporter Nelson Canlas, sinabi ni Grace na nangyari ang kanilang pagkikita ni Kris sa isang dinner. Nandoon din umano ang anak ni Kris.

Ito ang unang pagkakataon na nagkita ang dalawa muna nang aminin sa publiko ni Aquino noong nakaraang buwan na nagdi-date sila ni Grace.

Ayon sa Kapuso host, masayang kausap ang tinaguriang "Queen of All Media" na si Kris, at parang hindi raw sila nauubusan ng pagkukwentuhan.

Nang tanungin kung naintimidate ba siya kay Kris, sagot ni Grace: “Knowing him and knowing the family inisip ko na parang hey if she comes from this kind of family…there’s no reason for me to be intimidated."

Emosyunal na nagpaalam sa radio show

Samantala, emosyunal naman nagpaalam nitong Huwebes ng umaga si Grace sa kanilang listeners sa radio show sa FM station 89.9.

Hindi na tinapos ni Grace ang buong programa at napaiyak ito nang magpaalam sa kanilang tagasubaybay.

Iginiit din ng Kapuso host na walang kinalaman si PNoy sa kanyang desisyon na magbitiw sa kanyang radio show.

Nilinaw din niya na tanging sa programa lang siya nag-resign at hindi sa naturang radio station.

Ipinaalam din umano niya kay PNoy nitong Miyerkules ang kanyang desisyon na iwanan ang radio show.  Nagtanong lang umano ang pangulo kung bakit at naunawaan naman nito ang kanyang dahilan.

Nauna nang sinabi ni Grace na personal ang dahilan kaya niya iniwan ang radio show na apat na taon din niyang inupuan bilang DJ.

No comments:

Post a Comment