Sunday, March 25, 2012

Rocco Nacino, Hindi Apektado ng Stalker ni Sheena Halili

Hindi na mati­pid si Rocco Nacino sa pagkukuwento tungkol sa special relationship nila ni Sheena Halili. Twenty-fifth birthday ni Rocco noong March 21 pero hindi siya nagkaroon ng birthday party dahil sa taping ng The Good Daughter.

Ikinuwento ni Rocco na kabilang si Sheena sa mga sumaglit sa set ng The Good Daughter para personal na batiin siya. Ibinigay ni Sheena ang birthday gift sa kanya pero tumanggi si Rocco na i-reveal ang regalo na natanggap niya.

Parehong mga pa­nganay na anak sina Rocco at Sheena. Ang pagmamahal sa pamilya ang isa sa mga ugali ni Sheena na nagustuhan ni Rocco dahil mapagmahal din siya sa kanyang pamilya.

Alam ni Rocco na may nagpapadala kay Sheena ng mga bulaklak pero hindi siya apektado. Si Rocco pa ang nagsabi na admi­rer at hindi stalker ang correct term sa mystery person na madalas na nagpapadala ng bulaklak sa kanyang rumored girlfriend.

Si Rocco ang bida sa film adaptation ng Lam-Ang. Magsisimula ang shooting ng pelikula sa April 20 at kukunan ang mga eksena nito sa Ilocos Sur.

Inaayos na ng GMA Artist Center ang schedule ni Rocco para hindi magkaroon ng conflict sa ta­ping ng The Good Daughter ang shooting ng Lam-Ang.

Madalas na nagkakaroon ng injury (toe injury and pulled hamstring) si Rocco dahil sa training niya para sa kanyang mga fight scenes sa Lam-Ang. Hindi puwedeng hindi magsanay si Rocco dahil required ito na pag-aralan ang lahat ng fight scenes niya sa pelikula.

Tiniis ni Rocco ang hirap nang magsa­yaw siya sa Party Pilipinas noong nakaraang Linggo. Masakit na masakit daw ang kanyang hinlalaki sa paa pero itinuloy niya ang pagsasayaw dahil sa kanyang commitment sa Sunday show ng GMA-7.

Walang problema kay Rocco ang pagsusuot ng bahag sa Lam-Ang. Nagbiro pa siya na okey sa kanya, kahit dahon ng makahiya ang “costume” niya sa nabanggit na project.

No comments:

Post a Comment