Monday, March 26, 2012

Sarah Geronimo, Masaya sa Magandang Relasyon nila ni Gerald Anderson

Iwas si Sarah Geronimo nang kapanayamin siya ng The Buzz hinggil sa pag-amin a couple of weeks ago ni Gerald Anderson na nililigawan na niya ang dalaga. Nagsimula ang closeness ng dalawa sa follow-up movie nilang Won’t Last A Day Without You earlier this year. Dahil sa namuong closeness sa dalawa, sinasabing may relasyon na umano sila pero ayaw lang umamin.

“Ayoko na lang po muna. Uncomfortable po sa akin na pag-usapan,” ang sagot ni Sarah. Nang sundan ito ng tanong kung totoong nanliligaw na ba si Gerald sa kanya, ang paiwas na sagot ng Pop Star Princess “Nahihiya ako. Okay kami po, sobra.”

Nang itanong kung masaya ba siya ngayon sa magandang relasyon nila ni Gerald, ang safe na sagot muli ni Sarah, “Opo naman, happy naman po tayo lagi.” Nang hingan ng mensahe para kay Gerald, mabilis na sagot ng singer, “Itetext ko na lang.”

Samantala, kahapon naman ng umaga, isang fans’ day ang ginanap para kina Sarah at Gerald sponsored by the fast-food brand na kanilang iniendorso sa 55 Events Place sa Tomas Morato, Quezon City. Sa nasabing event, walang tigil ang hiyawan at tilian ng fans ng dalawa dahil sa kilig. “Sobrang nakakatuwa, ‘pag may nadadagdag na member, mas maraming fans ‘yun so we’re really happy. Kahit papano natuwa sila sa fans’ day,” ngiti ni Gerald. “Thankful kami sa Jollibee kasi nagkaroon ng get together ang Ashrald, Popsters, Geraldnatics,” dagdag ni Sarah.

Kapansin-pansin ang closeness ng dalawa kahit sa stage kung saan nagho-holding hands pa sila at nagyakapan during a song number. “Mas komportable kami sa isat-isa. Kung ano nakita n’yo mas close kami ngayon we’re just happy na ganun kami at sana natuwa rin ang fans sa nakita nila. On a personal level happy kami,” pag-amin ni Gerald. Kapag daw kasi may mga events na ganito ay nagsisilbi rin itong bonding nila, kasama pa ang kanilang mga loyal supporters.

Hiniritan din si Gerald kung kasama din sa bonding nila ay ang kanilang pag-uusap over the phone na umaabot raw ng madaling araw. Hindi man direkta ang pagsagot sa tanong, malaman ang ibinahagi ni Gerald. “Steady lang, kaya siguro mas naging close kami kasi mas madalas ang communication naming dalawa.”

Pansin naman sa nasabing interview ang mas pananahimik ni Sarah na madalas ay tumatawa sa mga tanong at hinayaan si Gerald na siyang magsalita. Pagkatapos ng nasabing interview ay naringgan pa namin si Sarah ng pagsasabi kay Gerald, “Thank you very much for doing the talking.”

No comments:

Post a Comment