Friday, March 9, 2012

Sarah Geronimo, Ayaw ng Kissing Scene with John Lloyd Cruz

Malapit nang simulan ang ikatlong pelikulang pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Sa dalawang unang ginawang pelikula nina Sarah at John Lloyd ay wala silang ginawang kissing scenes pero wala naman problema sa aktor kung hindi pa rin sila magkakaroon sa kanilang bagong gagawin.

“Siyempre naiintindihan natin where Sarah is coming from and ’yung kanyang management, so kung anuman ang mangyari, meron man or wala, we’ll always understand. Saka dalawang pelikula nga na-magic ’di ba? So it’s not a problem.

“Kumbaga ayokong isipin na doon lang naka-ankla ’yung story. Maraming dapat abangan, maraming inaabangan sa istorya, sa pupuntahan ng dalawang ’yun. It’s not just about kiss. It’s an issue na dapat manggaling sa creatives, sa kanila dapat,” pahayag ni John Lloyd.

Dagdag pa ng aktor na he is hoping kung anuman ’yung i-demand ng script sa paggawa ng pelikula, nadadaan sa tamang pag-uusap.

Mayroong mga pagbabago sa kanilang relasyon ni Sarah para sa bagong proyekto.

“Maganda, convincing ’yung pupuntahan ng story nina Laida at Miggy. Very exciting lalo na para kay Laida. May konting time lapse pero hindi pa malinaw kung gaano katagal. Magbabalik sina Miggy at Laida so exciting ito. Iba na ’yung core ni Laida Magtalas, iba ’yung core ni Miggy. Hindi naman totally different kasi that’s your core but ang sinasabi ko lang is simula pa lang iba na kasi medyo may lumipas na panahon. Iba na ’yung present circumstances nila,” pagde-detalye ni John Lloyd sa mga karakter nila ni Sarah.

No comments:

Post a Comment