Saturday, March 10, 2012

Vic Sotto and Pauleen Luna, Sabay Umalis sa Consert nila Wally and Jose.

Bagaman wala pang pormal na pag-amin kung ano talaga ang status ng kanilang relasyon, naispatan na magkasabay na umalis sina Vic Sotto at Pauleen Luna matapos ang concert nina Jose Manalo at Wally Bayola noong nakaraang linggo.

Naging matagumpay ang naturang first major concert nina Jose at Wally na ginanap sa Araneta Coliseum. Bukod sa kanilang fans, todo suporta rin sa dalawa ang kanilang mga Dabarkads sa Eat Bulaga.

Nandoon sina Julia Clarete, Keempee de Leon, Allan K, Ruby Rodriguez , at Pauleen.

Sa Showbiz Exclusive ng GMA News TV nitong Huwebes, ipinakita naman ang video kung saan nakitang magkasabay na naglalakad na umalis ng Araneta sina Pauleen at napapabalitang nobyo nito ngayon na si “Bossing" Vic.

Sa naturang footage, nakitang sumakay si Vic sa sasakyan habang patuloy na naglalakad si Pauleen. Hindi malinaw kung sa ibang sasakyan sumakay ang magandang aktres.

Ilang buwan nang pinag-uusapan ang umano’y romantikong relasyon na namamagitan kina Vic at Pauleen pero walang pag-amin na nagmumula sa dalawa.

1 comment:

  1. baka totoo,yan, bosing umaamin kn, ? Maganda pa naman c pauleen,sge ka,magsisi ka,kapag na agaw pa ng iba, ?uy si bosing mag pakipot pa,

    ReplyDelete