Saturday, March 10, 2012

Kris Aquino, Puring-puri ni Grace Lee.

Talagang lubos na ang pagiging kampante ng Koreanang si Grace Lee sa pamilya Aquino. Hindi ito na-intimidate kay Kris Aquino nang makita niya at makilala sa isang dinner na pinuntahan nila pareho. Kung meron mang siyang agam-agam sa pagkikilala nila ng bunsong kapatid ni P-Noy, nawala ito.

Kris was more than civil sa pagkikita nila.

Nakita ni Grace ang sincerity, ang pagiging edukada, at ang nababalitaan niyang charm nito kahit sa unang pagkikita lamang nila.

Kung komportable siya nang makilala ang mga ate nito, hindi naman iba ang naging pakiramdam niya sa pagkikita nila ni Kris.

No comments:

Post a Comment