Wednesday, April 18, 2012

Gabby Concepcion at Piolo Pascual sa Isang Project

Papayag si Gabby Concepcion na makatrabaho si Piolo Pascual.

Sa kabila ng breakup ni Piolo at ng anak ni Gabby na si KC Concepcion, walang nakikitang masama si Gabby kung makakasama niya sa isang proyekto si Piolo.

“Dati ko pang… noon, noong wala pa sila ni KC, sabi ko, ‘It would be nice na gumawa kami ng [movie]…’

“Kasi nasa Star Magic din ako noon, meron akong idea na maganda… sana na magsama-sama yung mga boys sa pelikula, sa Star Magic.

“Si Piolo, kasama si Diether Ocampo. May time na naging close kasi ako sa kanila, e... sina John Lloyd [Cruz], si Coco [Martin],” pahayag ni Gabby.

Nakausap ng namin si Gabby sa presscon ng The Mommy Returns ng Regal Entertainment Inc. sa Emperor Room ng Imperial Hotel sa Quezon City, kagabi, April 16.

PROJECT WITH PIOLO. Pagkatapos ng nangyari kina KC at Piolo, payag pa rin ba si Gabby to work with Piolo?

“Okay lang naman sa akin, trabaho lang, e, walang personalan, ‘di ba?

“Ang sa akin lang is yung project.

“Kung may project sana na puwedeng gawin na ganoon, at least yung kakaiba siya.”

Kaya rin ba niyang makaharap at makasama si Piolo sa kabila ng mga nangyari?

“Ano 'yan, e, ang nangyari kasi sa kanila is personal, na kung anuman yung dahilan, e, wala naman tayo dun.

“Ang akin lang, nasaktan lang yung bata.

“But everybody goes through a relationship na nasasaktan ka.

“Sabi nga, ‘You live and learn.’ After that, life goes on.”

No comments:

Post a Comment