Saturday, April 21, 2012

KC Concepcion, May New Movie with Anne Curtis and Derek Ramsay


KC Concepcion is getting ready for her new movie under Viva Films, Nothing Compares To You, with Anne Curtis and Derek Ramsay. KC is excited to start working on this movie especially after what she’d experienced in love and life. KC doesn’t want to be safe in her movie roles anymore.

MATURE ROLE FOR KC? Nang balikan namin si KC, nakangiti ito at sinabing mas may maikukuwento na raw siya dahil tapos na ang kanilang meeting sa bago nilang pelikula.

Ayon kay KC, “Masaya kasi yung role for me… hindi siya masyadong safe.

“And ‘ando’n ako sa time na… sa time ng buhay ko na parang hindi na ako masyadong bagay sa sobrang safe dahil sa pinagdaanan ko na… namulat na yung mga mata ko. Gano’n. “So yun. Excited ako na mero’n akong something new na paglalaruan… na pagtatrabahuan,” pahayag niya.

Ang tinutukoy marahil ni KC dito ay ang kabiguan niya sa pag-ibig matapos ang breakup nila ni Piolo Pascual. Gaano ka-mature na KC ang mapapanood sa bago niyang pelikula?

“Hindi naman siguro sobra. Hindi rin. “Siguro natural lang na paggu-grow up. Yung gano’n.

 “Sana, sa lahat ng napagdaanan ko na experience ko sa buhay, kahit papa’no mailabas ko sa mga eksena para naman matulungan yung ibang babae na magkaroon ng inspirasyon.”

Ano ang bagong makikita sa kanya sa pelikulang kanilang gagawin?

“Siguro first time ko rin makatrabaho si Anne pero… na may babaeng co-star na makatrabaho. “Kasi usually loveteam. Or, uhm… mas nakakatanda sa ‘yo. “So, it’s a first time na dalawang babae kaya parang iba rin for me.”

PRESSURED TO WORK WITH ANNE AND DEREK? Nakakaramdam ba siya ng pressure dahil ang co-stars niya ay galing sa pelikulang No Other Woman na tumabo nang husto sa takilya?

“Yeah! Siyempre naman may pressure. Sino ba naman ako para biglang mapasama sa… “Gano’n naman, e, kahit sa’n ka pumunta…

“But I’m grateful. I’m thankful. I have to make sure na I’ll do my best. “I’ll make sure na magiging maganda yung atake ko sa role ko.

 “I’m very pressured but sa dami ng napagdaanan ko rin, hindi ko na priority yung ma-prove yung sarili ko. “Siguro it’s more of gawin ko lang maganda yung ginagawa ko,” saad niya.

 Ano naman ang opinyon ng kanyang ina na si Sharon Cuneta sa pagtanggap niya ng pelikulang ito?

 “Alam naman ni Mommy. “Masaya siya. Okay naman siya. ‘Sige pagbutihan mo lang. Alam ko namang gusto mo ‘yan….’ She trusts me naman.” (source)

In a another interview with Anne Curtis, she said NCTY is totally different from NOW. It’s more on the lighter side and situations could relate to women these days. It’s still drama, but not as dramatic as No Other Woman. I personally don’t like that title. It sounds cheesy, hah. Nevertheless, good luck to the 3 of them.

No comments:

Post a Comment