Saturday, April 21, 2012

Nang Dahil sa Pag-Ibig Serye Apektado sa Ara Mina-Cristine Reyes War

Deadma na muna si Ara Mina sa entertainment press matapos siyang magsampa ng kaso laban sa kanyang sariling kapatid na si Cristine Reyes.

Ilang beses naming tinawagan si Ara nu’ng Huwebes para kumuha ng update sa panibagong controversy na kinasasangkutan niya pero hindi na sumasagot ang dating sexy-actress.

Napagalaman naming mula sa ilan sa mga malapit sa aktres na pinagsabihan ito ng kanyang abogado na manahimik muna dahil nakapagbigay naman na ito ng detalye sa rason ng pagsasampa niya ng kaso kay Cristine.

Iilan lang ang nakaalam sa plano ni Ara na kasuhan ang kanyang sariling kapatid. Isa na rito ang kanyang pamilya.

Maging ang mga kaibigan niya sa press ay nasorpresa sa hakbang ng aktres dahil sa hanggang sa huling sandali ay gustong itago at sarilinin ni Ara ang tunay na nangyayari sa kanila ni Cristine.

Sa huling pakikipagtsikahan namin kay Ara, sinabi na niya sa aming hindi sila okey ni Cristine.

Nababanggit na nito ang tungkol sa mga text messages na ipinapadala sa kanya ni Cristine.

Sey nga ni Ara sa amin, kung mababasa lang daw namin ang mga mensahe sa kanya ni Cristine, grabe raw talaga at hindi masisikmura.

Pero sa gitna ng kanyang paglalabas ng saloobin, pilit pa rin niyang pinagtatakpan ang ka­patid at sinasabing ganyan raw talaga si Cristine kapag may sama ng loob, idinadaan sa mga text messages niya.

Kung noon ay kaya pang tiisin ni Ara ang mga mensahe sa kanya ni Cristine, hindi na ngayon dahil kahit aso ay hindi kayang kainin ang mga pambibira at pananakot nito sa kanya.

Tutol ang pamilya ni Ara sa demanda nito laban sa kanyang nakababatang kapatid pero ipinaliwanag daw ng aktres sa kanyang ina na ilang beses na niyang binigyan ng pagkakataon ang kapatid na makipag-usap sa kanya pero lagi siyang binabastos nito sa mga ipinapadalang text messages sa kanya.

Sa paglabas ng mga diumano ay paninira at pananakot ni Cristine sa kanyang Ate Ara, na­nganganib na maapek­tuhan ang serye nito sa ABS-CBN 2, ang Dahil sa Pag-ibig. Marami kaming nakausap na mga kakilala at kaibigan tungkol sa kaso ng magkapatid at karamihan ay pumapanig kay Ara at nawalan ng gana kay Cristine.

Sabi nga nila, at mababasa mo sa kanilang mga Facebook at Twitter accounts, na ayaw na nilang panoorin ang serye ni Cristine, dahil nga sa ginawa umano nito kay Ara.

Maging ang mara­ming showbiz press ay nakasuporta kay Ara. Mas inilalapit kasi ni Ara ang sarili sa press. At kahit intrigahin siya ng mga ito, hindi pa rin nagtatanim ng sama ng loob si Ara.

Kapag may mga pabalang na sagot si Cristine sa press noon, si Ara ang humihingi ng paumanhin sa mga kaibigang manunulat para sa kapatid. Sey nga ng isang kaibigan namin, hindi dapat nagsasalita ng masasama si Cristine laban sa kanyang Ate Ara dahil dugo at laman niya ito.

Kahit paano raw ay may nagawa ang kapatid niya sa kung saan man siya naroon ngayon.

Oo nga, bigla naming naalala, nu’ng nagsisimula si Cristine, ipinapagamit ni Ara ang isa niyang sasakyan sa kapatid. Tumira pa ito sa bahay niya para lang masubaybayan niya ang kapatid.

Nag-prodyus pa noon si Ara ng pelikula para kay Cristine. Natatandaan namin ang sinabi noon ni Ara na kaya siya nag-produce ng movie dahil hindi mabigyan ng magandang role si Cristine sa GMA7 at mukhang malabo itong sumikat.

“Kung hindi napapansin ang kapatid ko, ako na lang ang magbibigay sa kanya ng break,” sabi pa ni Ara noon.

Kung hindi dahil sa effort ni Ara, malamang kahit PTV4 ay hindi magkaka-interes sa kanya.

No comments:

Post a Comment